Previous Page of 4Next Page

Bestfriend, I love you.

Dedicated to
kitkhat14
spinner.gif

SCHOOL STARTS...

Carlo's POV:

Dito ako ngayon sa bahay nila Tasha. Nagbibihis pa kasi siya. First day of school namin ngayon. Sabi ko sakanya na sabay nalang kami parati since on the way naman ang bahay niya sa bahay ko. Kaya ayun. Hay. Ito talagang babaeng to late nanaman nagising. Adik kasi sa puyatan. Wattpad ng wattpad Kaya pag umaga akala mo eh pinaiyak ng husto dahil minsan maga ang mata kakaiyak sa binasa niyang story. Hahaha. Niloloko ko nga siya na EYEBAG girl eh. Hahahaha. Cute niya kasi pag napipikon. 

 

Ako nga pala si Carlo Santos. 16 years old. 3rd year highschool. Matagal na rin pala kaming mag bestfriend ni Tasha noh? Time flies so fast. Masaya ako tuwing kasama ko siya.  

Kaya niyo bang magtago na secret? 

Hmmm. Sige. May ikwento ako sainyo. 

 

Grade 2 palang kasi ako.....

 

 

 

Crush ko na si Tasha..

Nakita ko siya noon sa school. Grade 1 siya. Nakita ko siya hinatid siya ng yaya niya. Grabe. Ang ganda ganda niya. tapos ang cute ng smile. Hay. Naaalala ko lang napapangiti ako. Shit ang gay. :|

 FLASHBACK

Hindi ko alam kung paano niya ako mapapansin. Kaya... Nung minsan na nakita ko siya... Parati ko siya inaasar. Pinaiiyak. Hahaha. Ang cute niya nga pag napipikon eh...

 

Pero kasi minsan nakita ko siya sa swing umiiyak.. Lumapit ako sakanya..

""Ba't ka umiiyak? Hindi pa naman kita pinaiiyak ha?" biro ko

 

Pero di parin niya ako iniimik. Tuloy parin ang pag iyak niya.. Nakita ko may nagiikot na dirty ice cream. Agad akong nagpunta dun tapos bumili ng dalawa. bumalik ako sakanya..

"Oh, Ice cream oh. Tahan ka na."  Inaabot ko ung ice cream 

Nakatingin lang siya sakin kaya nag smile ako at sabing 

"Kunin mo na.. sayang naman oh" 

Kinuha niya ung hawak kong ice cream..  tapos sabi niya "Thank.... you.." 

Umupo ako sa kabilang swing...

Habang kinakain namin ung Ice cream hindi ko mapigilan itanong..

"Bakit ka umiiyak? may nangyari ba? dahil ba sakin?" 

 "Hin...di...kasi..." Halatang hirap na hirap siya sabihin...

Inantay ko lang siya magsalit ulit..

"Pupunta na ng ibang bansa na papa ko.. maiiwan ako. sabi naman nila babalikan nila ako.....May ibang pamilya na kasi siya.. kaya, maiiwan ako dito dahil kailangan ko tapusin ang pag-aaral ko.... magtratrabaho daw siya dun...ang kasama ko lang dito ay si Kuya.." umiyak nanaman siya

"Asan mama mo?"  tanong ko

"Wala na....Namatay siya nung ipanganak ako... "  mahina niyang sabi.. patuloy parin ang pagtulo ng luha niya

Tumayo ako sa swing at lumapit sakanya... Nag kneel ako sa harap niya at niyakap siya

"Wag ka ng umiyak.. Promise ko sayo hindi na kita papaiyakin.. hindi din kita iiwan. ako nalang ang magiging kasama mo para hindi ka na malungkot. Ipagtatangol kita sa mga umaaway sayo. promise yan."  Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya ngumit lang kami..

END OF FLASHBACK

tapos ayun, Parati ko siya sinasamahan.. Pinakilala ko rin sa sa parents ko.. Tuwang tuwa nga sila eh.. Ang bait bait at ganda ni tasha..Alam nila noon pa na gusto ko na si Tasha. Kaso, Kahit kailan wala akong lakas ng loob para sabihin sakaya. Sabi nga ng parents ko ligawan ko na daw.. kaso parang hindi ko kaya..Nasaktan narin yang si Tasha ng dahil sa lalake.. Una nung umalis ung dad niya.. Pangalawa, dun sa manliligaw niya. Ewan ko dun kung bakit umiyak eh akala ko nga ayaw niya dun. ako naman, pilit kong gustong kalimutan si Tasha kaya kung sino sino nililigawan ko.. pero hindi rin nagtatagal kasi Habang tumatagal na kasama ko si Tasha.

... lalo akong...


Naiinlove sakanya..

 

"Huy. Ang lalim ng iniisip mo ah? Kanina pa ako salita ng salita hindi ka manlang sumasagot." Nagulat ako..si Tasha nasa gilid ko na pala.

"Sorry.. Kinakabahan kasi ako sa first day. Ewan ko kung bakit eh old students naman tayo.." I lied.

"Ah. Ganun ba. Okay lang yan Bes. Maging okay naman ulit eh. :)" Nag smile siya.. That smile.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter 2

Who's Reading

SheanneAgosto getoutofmyhead LECHEska loveyouthanUeverknow sheylovesyou ShaneCasaje SelfproclaimedWriter book_worm86 bluish07

Recommended

Destined EnemyOff-limitsMy Best ENEMY turns to My Best HUSBANDBestfriend Or Stealer?