Chapter 43: Confessions

199K 1.7K 386
                                    

HALEY'S POV

Russell's gaze are like daggers ready to hit us, like we were caught in a cheating act. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Seth pagpasok niya. And his questioning eyes rested on Seth longer. Seth stared back, as if they're in some kind of a duel. And I was caught in the middle.

" Uhm, si Seth pala classmate ko. Hinatid niya ako at nabasa kami sa ulan kanina kaya pinatuloy ko muna siya. But he's now leaving."

I avoided his gaze. Alam kong nakatingin siya sa akin ng masama. He remained passive and all I heard form him was his heavy sighs. Parang pinipigilan nito kung ano ang gusto niyang gawin. I can feel the tension is boiling. Seth must have felt it too. Na hindi ako komportable.

"Alis na ako. See you tomorrow." sabi nito.

Once again they threw glares at each other. And I almost push Seth out of the door to break the hostility.

"Sige ingat. Thank you ulit ha."

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pag alis ni Seth. I don't want him to put in a compromising situation, in case Russell confronts us. I closed the door tight and braced myself.

"I was so worried it was raining when you left. Nagmamadali pa naman ako baka abutan kita. Then I found you here na may kasamang lalaki." he accused.

I can't blame him. If you were on his shoes, abutan mo ang asawa mo na bagong ligo at may lalaking kasama na half-naked sa loob mismo ng bahay niyo, what would you think? Parang nananadya ang pagkakataon. Hindi pa nga kami nagkakaayos, heto na naman, may isa na namang issue. I just hope he listens this time.

"Hindi ko naman kasi alam na wala na si Jess." pagsisinungaling ko. "I just saw him at the gate. Nagmagandang loob lang siya na ihatid ako kasi hirap akong makakuha ng cab."

He put his hands in his pocket. As if trying restraining them from doing something. His probing eyes searched my face. At sa tingin ko lalong nagdilim ang mukha nito. Kahit wala akong ginagawang masama, I closed my eyes in embarrassment. Pakiramdam ko, hinusgahan na niya ako nang hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag. I bit my lip to keep me from crying.

"Kung 'di ko pa nakita si Tyler, hindi ko malalaman na kanina pa nakauwi si Jess." He ignored my explanation.

So he left the gang para lang sundan ako. Dapat ba akong matuwa? Na kahit papano concern din pala siya despite what happened yesterday?

"Hindi ko nga alam na wala siya. When I texted her, dun ko lang nalaman na nakauwi na pala siya." I had to stick to my lies.

Gigil siyang lumapit sa akin. And I flinched for fear that he was going to shake me.

"Yun naman pala eh! Ba't di mo'ko binalikan? I fI shoud have known, hindi kita hahayaang magcommute, and you knowit! Nagpahatid ka pa talaga sa tukmol na yun!"

Hindi ko alam kung kanino siya nanggigigil at nagagalit. Kung sa akin ba o kay Seth?

At ako pa ngayon ang sinisisi niya kung ba't hindi ako nagpahatid sa kanya? I offered to stay and wait for him but he refused. As if he didn't want me to stay.

" Sa tingin mo gagawin ko yun? You can't even leave them. At ayaw mo naman na antayin kita. Pakiramdam ko nga ang laki kong abala sa'yo eh. At nakaistorbo yata ako sa inyo at ang sama ng tingin sa akin nung babaeng katabi mo." I was so pisssed that I almost cursed.

"What are you implying? Ikaw pa 'tong may ganang mag isip ng ganyan, you invited a guy and I wasn't even here." sumbat nito.

The nerve of this guy! Ako pa ang pinag isipan ng masama. At wala akong karapatang pag isipan siya ng masama?

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon