[56] Shots Of Margarita

417K 8.6K 2.2K
                                    

[56] SHOTS OF MARGARITA


GAIL'S POV

Lumunok ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Fifth at Kurt. I'm doomed. Why did I even think of shouting those words with Kurt around?

Huminga ako ng malalim at iniwasan ng tingin si Kurt. Sorry, it's not you.

"Fifth, bati na tayo?"

He frowned a little and reached out his hand to me. I looked at it and drew out a deep sigh. I walked towards him and touched his left hand. He smiled teasingly that made me raised a brow.

"What?" tanong ko.

"Say the magic words again..."

"Fifth, ano ba..."

Nabura ang ngiti sa labi niya at akmang bibitawan na ang kamay ko nang higpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Baby love... Okay na?"

I was surprised when he grabbed me into a tight hug. Nakita ko tuloy si Kurt sa gilid namin at kung nakamamatay lang ang tingin ay sure akong nakabulagta na kami ni Fifth dito. I drew out a breath and closed my eyes. Sana pagkamulat ko, wala na siya sa paningin ko.

"Start calling me that way from now on."

I bit my lower lip and then slowly opened my eyes. At tama nga ako. Wala na sina Kurt at ang secretary niya sa gilid namin.

I should feel relieved because Fifth and I are fine now, aren't we? But why do I feel wrong of what is happening?

***

Nung mga sumunod na araw, mas lalong naging kakaiba na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, wala ako lagi sa mood. Nagtetake naman ako ng vitamins pero bakit ang tamlay ko?

"Bakit 'di mo ginagalaw ang pagkain mo?"

Miski pagdating sa pagkain ay wala akong gana. Ano bang nangyayari sa akin?

I put down the fork on the plate and rested my back on the backrest of the chair. Lunchtime na at magkasama kami ngayon ni baby love dito sa cafeteria. Okay, sinasanay ko lang ang sarili ko sa pagtawag sa kanya sa endearment namin. Tama siya, kung wala na akong feelings kay Kurt, dapat ay 'di na rin ako apektado sa simpleng endearment na yun.

"Wala akong gana."

Ngumuso siya at uminom sa tubig niya. "I'll order another food for you then. What do you want?"

I shook my head no. "I'm fine. Hindi ako gutom."

"Nag-hot choco ka lang kanina. What's wrong with you?"

Bago pa man ako makapagsalita ay may tray ng pumatong sa lamesa namin. Pag-angat namin ng tingin, nakita namin si Kuya Louis na nakatayo at nakangiti sa amin.

"Mind if I sit here?"

"Kuya," sambit ko at tinapik ang upuan sa tabi ko. "Dito ka maupo sa tabi ko."

He did what he was told and then he smiled at us meaningfully. "Kayo na bang dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Fifth, at parehas kaming nakaawang ang bibig. Err... Straight to the point lang?

"'Wag na kayong mahiya. Ano? Kayo na ba?"

Napa-roll eyes nalang ako at uminom sa iced tea ko. "Kuya, 'wag ka ngang maingay."

"So, that answers my question. Kayo na nga," tumawa siya't inakbayan ako. Ngumisi naman si Fifth sa harap ko. "You've found the right man for you, baby girl."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon