Chapter 71

511K 9.6K 920
                                    

At dahil 18 Million na ang MMA, ginawan ko na ng first and only POV si Mitsui! :)


________________

Chapter 71


[Mitsui's POV]


"Vianca," I called her name. I was about to go back to my room when I saw her standing in front of the door.


"Hinatid ko na si Lei. He's already in your room," I added.


Ilang sandali ring natigilan si Vianca bago siya humarap sa akin.


"What's wrong?" I asked in a worried tone. I knew something was wrong. I could tell just by looking at her. Pain was visible in her eyes.


"Mitsui, lumipat na lang tayo. Ayoko dito sa bahay n'yo," umiiwas niyang sagot. Naglakad siya at balak niya sanang lagpasan lang ako.


"Why are you acting this way all of a sudden?" Hinila ko siya nang marahan sa siko.


"Ano ba? Ganyan ka ba talaga kamanhid na hindi mo alam kung ba't ako nagkakaganito?" She snapped.


Tinabig niya ang kamay ko at saka niya ako muling hinarap. "Sa kwartong 'yan..." She pointed at my room. "Nahuli ko ang kataksilan n'yo ni Mikhaela," she said, her voice nearly breaking.


I was taken aback. I hated myself for being so insensitive. Sa sobrang saya ko nitong mga nakalipas na araw, hindi na ako naging maingat sa mga plano ko. Nawala sa isip kong dito sa bahay na 'to kami gumawa ng isang malaking kasalanan ni Mikhaela.


It happened almost five years ago. That time, I knew that what I was doing was wrong. As my lips touched Mikhaela's, it felt completely spontaneous. The moment I'd done it, I knew Elle and I had gone too far.


It was my fault. I should have stepped back and made sure that we weren't crossing the line and doing something more intimate. But I didn't.


"Ang buong akala ko, mabubura ng pagmamahal ko sa 'yo ang sakit na nararamdaman ko. Pero mali ako, kasi hindi ko pa rin 'yon magawang makalimutan. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako."


Tinalikuran niya ako at aktong iiwan na naman, kaya agad ko siyang niyakap mula sa likod para pigilan siyang umalis. I heard her gasp.


"Vian, please let go of the past. Although it's hard for you to forget all those bad memories, you have to move on for the sake of our family. I am now a better husband. I'm a better man."


Gusto kong patunayan sa kanyang nagbago na ako. Na hindi na ako kagaya ng dati. Pero paano ko 'yon magagawa kung sa bawat paghakbang ko papalapit sa kanya ay siya 'tong umaatras at umiiwas papalayo?


"Hindi ko 'yon agad makakalimutan. Hindi ganoon kadaling alisin sa isip kong may nangyari sa inyo ng stepsister mo kahit parehong klaro sa inyong may asawa kang tao. At higit pa dun, hindi lang basta sex ang namagitan sa inyo ni Mikhaela. Kasi mahal mo pa siya nang mga panahong 'yon. Mas minahal mo siya kumpara sa akin."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon