[A/N]
fictional lang ito but yet may mga storya na ganito talaga ang daloy ng kanilang buhay
sana ay bigyan niyo ng panahon ang aking maikling storya
sana'y mag-comment kayo , mag-vote at sana maging fan ko po kayo :) maraming salamat sa inyong lahat
"Nak siya nga pala si Carlo, siya ang magiging bago mong tatay" salubong sa akin ni mama pag ka pasok ko ng aming bahay
"Hello po" bati ko, hindi na ako nagulat pa sa pagpapakilala sa akin ni mama, sanay na ako dito
Kung bibilangin pang 5 lalaki na si Carlo na pinakilala sa akin ni mama na magiging bago kong ama. Kung ako ang tatanungin gusto ko talaga magkaroon ng isang mapagmahal na tatay ngunit mukhang di na talaga ako makakahanap ng ganun lahat kasi ng nakukuha ni mama ay puro may mga sabit kung wala naman ay napaka batugan,basugalero,sugarol,etc... haay ang hirap ng ganitong buhay
"Ikaw pala ang kanyang anak, ang ganda mo naman" puri sa akin ni Carlo, wala akong tiwala sa mga dinadala ni mama sa apat na pinakilala sa akin noon ni mama lahat sila ay sinubukan akong halayin, nung una ngang lalaking pinakilala sa akin ni mama na si Jacob ang saya ko nun akala ko kasi ay magkakaroon na ako ng ama ngunit doon ako nag kamali manyak pala ang walanghiya naninilip ito sa tuwing maliligo ako buti na lang at nahuli siya ni mama at si mama na mismo ang nagpaalis sa kanya
"Maraming salamat po" umupo ako sa sofa at tinanggal ang suot suot kong sapatos, "Nak kakain ka na ba? Niluto ko ang paborito mong ulam" imbita sa akin ni mama, mabait ang mama ko, masiyahin at malambing, kaya naman kahit pa iba iba ang pinapakilala niya sa akin tuwing nawawala yung isa ay hinahayaan ko na lang. Gusto ko kasing maging masaya ang mama ko, may mga bagay kasi na kahit anong gawin ko ay hindi ko mabibigay sa kanya.
Praktikal akong tao, alam ko naman na hinahanap din ni mama ang mga araw at gabing may nahahagkan siya bilang isang ka-partner at naiintindihan ko yun. Malaki ang galit ko sa mga lalaki dahil sa mga na experience ko sa mga dating kinakasama ni mama, buti nga at di pa siya nagpapakasal ulit kasi kung napakasalan niya ang isang gagong lalaki napaka malas ng mama ko at ayokong makikitang lumuha ng paulit ulit ang mama ko
"Lalabas lang kami nak ha?" paalam sa akin ni mama, "Sige po" tumayo na ako sa sofa at nagtungo sa dinning table upang kumain, binuksan ko ang nakatakip na mangkok at oo nga niluto ni mama ang paborito kong ulam na chicken curry, kumuha ako at inilagay sa ibabaw ng kanin, paborito ko ito ngunit wala akong ganang kumain
Ako nga pala si Reniane ang pangalan ko ay nagmula sa pangalan mismo ng aking mama na si Arianne, wala akong nakagisnan na ama, ayon sa aking mama namatay daw si papa sa isang aksidente, matagal bago nakapag move on si mama kay papa. Ako si Reniane or Ren at mayroon akong isang pangarap at yun ay makahanap sana ang mama ko ng isang perfect dad para sa akin at isang perfect husband para sa kanya.
Alas dose na ngunit wala pa din si mama at yung Carlo, maya maya ay nadinig kong bumakas ang gate at ang aming pinto pababa na sana ako upang batiin si mama ng makita kong kasama niya pa din pala si Carlo, umupo ako sa may hagdan kung saan di nila ako matatanaw ngunit sila naman ay aking natatanaw inaantay kong mag paalam si Carlo kay mama ngunit hindi pa pala siya magpapaalam
Nagyakapan silang dalawa, mamaya maya ay bigla silang naghalikan at nagsimula ng gumalaw ang mga kamay ni Carlo nagsimula siya pababa patungo sa dibdib ng aking mama, at ng bigla niyang buhatin si mama ay pumunta na ako sa aking kwarto dahil ayoko ng makita ang susunod na mangyayari
***aahhhh ahhhhh aaaahhhh****
Dinig na dinig ko ang pag ungol ng aking mama, hindi tama iyon, hindi tamang nadidinig ko ang mga bagay na iyon. Tanggap kong may ibang lalaki na naman ngunit ang hindi ko matanggap ay ang madinig ang mga ganung bagay 19 years old na ako at halos 7 years ng ganito ang aking mga nadidinig, 30 na si mama ngunit ang kanyang mukha ay parang 20 plus pa lang, madaming nagkaka interest sa mama ko pero puro mangloloko ang kanyang nakukuha
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists