Guni-guni

67 0 0

Kamusta ka? Siguro hindi mo na ako kilala no? Bata ka pa lang kasama mo na ako. Madalas tayong magkalaro noon pero habang tumatanda ka nakakalimutan mo na ako. Pagnakikita at nararamdamanan mo ako, madalas binabaliwala mo na ako dahil iniisip mong isa akong guni-guni. Nagkakamali ka.

Sinusubukan kong kausapin ka. Madalas kitang sitsitan. Lumilingon ka naman kaya sigurado akong narinig mo ako. Lagi kitang sinusundan pero napapansin mo lang ako pag mag-isa ka lalo na pag madilim at nag-iisa ka lang. Mula sa bahay nyo kasama mo na ako lalo na sa gabi. Pag nagtutoothbrush ka ako yung na sa likod mo. Pag na liligo ka ako yung nakabantay sa likod mo habang nagbubuhos ka. Pag na nanalamin ka naandun din ako. Kung titingnan mong mabuti ang salamin naandun ako nakatingin sayo.

Sa gabi’y mas madalas mo akong nararamdaman. Pagpinapatay mo ang ilaw niyo sa gabi ay makikita mo akong nakatayo sa dilim. Madalas din kitang pinagmamasdan habang nagmumuni-muni ka bago matulog. Ako yung imahe sa likod ng pinto mo na nakatingin sayo. Ako din yung nakatingin sayo mula sa bukas na cabinet. At kung sa kalagitnaan ng gabi’y nagigising ka, ako yun dahil kinukulbit kita sa paanan mo.

Hindi totoo ang iniisip mong guni-guni dahil habang binabasa mo ito. Nasa likod mo ako naka tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guni-guniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon