CHAPTER TWENTY-FIVE

17.6K 301 78
                                    

[STHEP'S POV]

"What do you want me to do then?" Tanong ni Damon sa kanya.

"Simple lang ..."

"Ano nga?"

"Ipaglaban mo ko."

Hindi ko naisip na sasabihin yun si Kathy. Ni hindi sumagi sa isip ko. Siguro, sadyang mahal niya lang talaga si Damon. Pero bakit si Damon pa ang kailangang ipaglaban siya? Hindi niya ba pwedeng ipaglaban si Damon? Shit naman. Naguguluhan ako!

"Ayoko."

Simple.

Tipid.

Pero tagos.

Alam kong masakit para sa bestfriend ko ang salitang yon.

Dahil kitang-kita ko sa pag-iyak niya.

Sa mga mata niya.

"Bakit? Dahil ba nagsinungaling ako sa'yo? Dahil ba sinabi kong hindi kita kayang mahalin?" Sabi ni Kathy habang nakayuko at umiiyak. "High school pa lang mahal na kita Damon. At hanggang ngayon, mahal pa rin kita."

"Alam ko naman yon Kathy ... hindi ako tanga." Sabi naman ni Damon. "That's why I want to say sorry, kasi minahal din kita. Minahal kita kahit na alam kong masasaktan ka lang sa huli."

"Please stop it ... ayoko ng marinig mga paliwanag mo. Sana hindi ka na lang nagpunta ditto."

Yumuko siya.

"Kathy tama na..." Lumapit ako sa kanya. "... umuwi na tayo."

"Ayoko!"

Tinulak ako ni Kathy. Halos matumba ako sa ginawa niya. Buti na lang maagap si Damon, nahawakan niya agad ako sa braso.

"Kathy tama na! Nakakasakit ka na! Hindi na tama yan!" Sigaw ko sa kanya.

Napaupo siya habang umiiyak.

Naiintindihan ko yung sakit na nararamdaman niya. Pero mali ang ginagawa niya ngayon. Lalo niya lang pinagmumukhang tanga at kaawa ang sarili niya sa ginagawa niya.

"I'm sorry Chum." Umiiyak niyang sabi.

Umupo din ako. Niyakap ko siya. "Tama na ... please? Maawa ka naman sa sarili mo."

"Alam mo naman 'to lahat di ba? Alam mo naman kung anong nararamdaman nito?" Sabay turo niya sa dibdib niya. Tumango lang ako.

Bahagya akong natigilan ng muling hawakan ni Damon ang braso ni Kathy saka ito marahang itinayo.

"Damon please, wag mo ng saktan pa ang bestfriend ko." Pakiusap ko sa kanya.

Tinitigan lang ako ni Damon.

Hindi na ako nagsalita pa. Bahagya na lang akong umatras para bigyan sila ng space. Nakakahiya naman kasi sa kanila.

Tumingin si Damon sa mga mata ni Kathy. Kapwa nila tinitigan ang isa't isa. Matagal yon. Hindi kaya sila matunaw?

Nagulat na lang ako ng makita kong yumuko si Damon at hinalikan si Kathy sa labi. Saglit lang yon pero ... kiss pa rin yon eh! Hindi na sila nahiya sakin!

Tapos kasunod noon ay parang baliw na ngumiti si Kathy kay Damon. Maryosep! Kiss lang pala ang katapat ng pagdadrama ng kaibigan ko. Ang daming hanash!

"Kapag inulit mo pa 'to ... hindi mo na ko makikita kahit kailan." Sabi ni Damon sa kaibigan ko. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong niyakap. "... please wag mo ng uulitin yung mga ganitong bagay kasi pag may nangyari sa'yo, makakapatay ako ng tao."

"E-ehem!" Nagpapansin na ko. POV ko to eh pero wala akong eksena kahit isa. HMP!

Bumitaw sa pagkakayakap si Kathy kay Damon saka siya tumingin sakin. "Sorry Chum ah?"

"Okay lang yun. Sanay na ko sa kagagahan mo, ano ka ba!"


Dahil sa mga nangyari, madami akong natutunan:

1. Wag magmamahal ng ganon katagal. Nakakabaliw!

2. Wag magmamahal ng bad boy. Masasaktan ka lang!

3. Wag umasa.

4. Wag ifocus ang attention sa isang tao lang. Kasi kawawa yung ibang pogi na may gusto sa'yo.

5. Wag susuko.



"I'll give you something before we go." Pahabol na sabi ni Damon.

Hindi ko na napansin ang mga sumunod na nangyari. Pagkatapos na ikumpas-kumpas ni Damon ang kamay niya sa hangin ay bigla na lamang may nabuong isang bulaklak. Parang magic lang, ganon.

Saka niya inabot iyon kay Kathy.

At nang biglang mahawakan iyon ni Kathy ay bigla na lamang itong nagbago ng itsura. Naging babasagin ito.

"Ang ganda!" Bulalas ni Kathy habang nakatitig sa babasaging bulaklak. "A-ano 'to?"

"Edi bulaklak!" Pabulong kong sabi. Tinignan ako ng masama ni Kathy.

"That's a crystal rose. If you feel like you're in danger or something not-so-good is going to happen to you, it will suddenly turn into red. But if you're heart is at peace, it will turn back to what it is."

Kathy smiled.


Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!

Masarap kayang mainlove?

Masakit?

Mahirap?

Sana balang araw, maranasan ko rin ang nararanasan ng bestfriend ko ngayon. Hindi yung ganito, kung hindi ako extra sa bawat chapter ... third POV ako ng nakakakilig na eksena tulad nito. Hmp!



[KATHY'S POV]

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. I know it was a desperate move but I don't regret it. Ang mahalaga naman, nasabi ko sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Nakahinga ako ng maluwag. Nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Kahit na nalaman ko na hindi niya kayang ipaglaban yung nararamdaman niya para sakin.

Kinuha ko ang ibinigay niyang bulaklak sakin. Napangiti ako. Bigla kong naisip na mas maswerte pala ako kay Julia dahil minahal ako ni Damon sa panahon na hindi siya perpekto pero ibinigay niya yung best niya.

Ngayon ko lang din narealize na mas masarap palang magmahal ang demonyo kaysa sa bampira.

Maya-maya'y humangin ng malakas. Hanggang sa unti-unting naging kulay pula ang bulaklak na hawak-hawak ko.

"Tama nga ako. Kasama mo na naman si Damon kanina."

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Erick na nakatayo sa parting bintana ng kwarto ko.

Mabilis kong itinago sa likuran ko ang bulaklak.

"A-anong ginagawa mo ditto?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nakakaramdam ng takot. Pakiramdam ko laging nandiyan si Damon para sakin. Pakiramdam ko, walang pwedeng mangyaring masama sakin hanggang nandiyan siya.

"Gusto ko lang makita ka." Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. "Gusto ko lang malaman mo na, hindi ako bibitaw. Hindi kita bibitawan."

"Kung mahal mo talaga ang isang tao, makakaya mong tanggapin lahat. Makakaya mong magparaya."

"Gasgas na yang linya na yan. At saka, hindi ako tanga. Mahal mo nga di ba? Bakit mo palalayain? Bakit mo isusuko?"

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Siguro nga tama siya. Posible yon kung yung taong ayaw mong palayin at isuko ay mahal ka kagaya ng pagmamahal mo.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Hinawakan niya ang leeg ko saka niya iniangat ang mukha ko. "You are mine Kathy ... you-are-mine."

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon