Di ko alam kong ano ang maramdaman ko nung sinabi niyang ihahatid niya ako. Parang na disappoint ako na ewan. Maaga siyang pumunta sa condo unit ko para sunduin ako at ihatid sa airport. At ang awkward ng atmosphere sa loob ng kotse niya. Tsss…
“Babalik ka pa ba?” Bigla niyang naitanong. Napatingin bigla ako sa kanya. Nakikita kong nalulungkot siya at something tugged at my heart sa nakikita kong expression sa mata niya. May nag uudyok sa akin na I comfort siya and my hand is itching to caress his face. I clenched my fist to stop myself from doing exactly that.
“Maybe, if hindi masyadong busy sa company. Maybe I will be back in a year or after 2 years ulit.” Tahimik kong sagot at nakikita kong humigpit ang hawak niya sa manibela that his knuckles turned white.
“What will I do to make you stay?” Hindi pa din siya tumitingin sa akin. Tumahimik lang ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
“Nothing.” Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa airport. Binaba na niya ang maliit kong suitcase at ibinigay sa valet ang susi ng kotse niya. Pumasok na kami sa loob pero parang ayaw kong pumasok sa departure area. A lump is starting to build up in my chest. Parang ang bigat ng feeling.
Nakatayo lang kaming dalawa sideways. Hawak niya ang handcarry baggage ko and wala sa aming dalawa ang nag initiate na maglakad papuntang check in area.
Tapos naramdaman kong hinawakan niya ang isang kamay ko. I feel like crying. Bakit ganito? Bakit ang bigat sa dibdib? Bakit ang hirap umalis ngayon? Napapabuntunghininga ako, ganun din siya.
“Mas mahirap palang nakikita kang umalis.” Sabi niya sabay buntunghininga. Please don’t make me cry. Pleaseeee..
“Tamadao…”
“Lalo na at di ko alam kung babalikan mo pa ako. And it scared the hell out of me Yanyan.” Napatingin ako sa kanya bigla at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ako sanay na ganito si Tamadao. Na maging ganito siya ka vocal about his feelings.
I was about to say something when I was interrupted kasi tinawag na ang flight ko.
“Ahmmm… Papasok na ako.” Tumango lang siya ang handed me my baggage. Hinawakan ko ang baggae ng isang kamay ko kasi hawak pa din niya ang isang kamay ko at parang ayaw niyang bitawan.
“Aalis na ako.” I tugged at my hand na hawak niya pero nagulat ako nung hinila niya ako at hinalikan na lang bigla bigla. His lipa lingered at nabitiwan ko ang hawak kong luggage. I kissed him back pouring all my feelings in that kiss.
He cupped my face and looked into my eyes.
“I love you Yannie.” Nakikita ang sincerity sa sinabi niya and my heart goes out to him. Sa mga oras na yun, kung magpopropose siya ulit, hindi ko na iisipin kong masasaktan pa ulit ako. I was so overwhelmed by my emotions na papayag ako agad.
I was so close in saying ‘I love you too’ nung nag announce ulit. Siguro yun ang nagpabalik sa akin sa katinuan kaya kinuha ko agad ang baggae ko and hastily went to the boarding area at pumasok. Bawat hakbang ko parang ang bigat ng mga paa ko. Paksyet this! Para namang hindi na kami magkikita. Pero paano kung hindi na nga? Paano kung pagbalik ko may iba na siyang girlfriend o kaya may asawa na siya. Mapapatawad ko kaya ang sarili ko dahil hindi ko ulit siya tinanggap sa buhay ko?
Hindi ako lumingon hangga’t hindi ako makapasok. I handed my ticket and my boarding pass at bago naglakad lumingon ako kay Tamadao. Nakatingin pa din siya sa akin and there is a faint smile on his lips. Nakangiti siya pero ang lungkot ng mga mata niya. I waved at him and he waved at me tapos tumalikod na ako.
Parang wala ako sa sarili ko habang naglalakad ako papasok sa eroplano. Ni hindi ko pinansin ang pagbati ng stewardess. Dirediretso lang akong naupo sa upuan ko. Mabuti na alng at business class ang kinuha ni Mommy kasi kukunti ang tao. I was seated beside the window. Nilagay ko lang ang baggage ko sa overhead compartment at naupo na. I fastened my seat belt at isinandal ang ulo ko sa upuan at pumikit.
Hindi ko napigilan nung tumulo ang luha ko. Paksyet this! Ginusto mo yan Yanyan, bakit ka ngayon iiyak iyak! Pinahid ko agad ang luha ko. Pero may tumulo na naman ulit. Paksyet talaga! Bakit ayaw tumigil!? Kakagigil naman! Wala pa naman akong panyo.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists