Previous Page of 3Next Page

♥ Charm ♥

spinner.gif

19

Akala ko okay na kami pagkatapos naming mag usap. Akala ko magkakabalikan na kami pero nagkamali ako.  Hindi na nga niya ako iniiwasan pero hindi na din bumalik ang dating kami.

Kaya ang ginagawa ko nanliligaw ako ulit kay Charm kasi alam kong kailangan kong paghirapan para bumalik ang tiwala niya sa akin. And willing akong maghintay kahit gaano katagal.

Pero ang nakakaasar lang, palagi niyang kasama si Lucky. Pag pumupunta ako sa bahay nila andun din si Lucky. Minsan kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi mainis hindi talaga maiwasan.

Katulad na lang nung minsan pumunta ako sa kanila. Sabado yun at may dala pa akong bulaklak. Plano kong yayain siya na maging ka date ko sa Prom. February na kasi at next week na ang Prom namin. Dapat nung inanounce ko pa siya niyaya 2 weeks ago pero pagdating talaga kay Charm natotorpe ako kaya nag isip pa talaga ako ng plano kung paano ko siya yayain. Actually, sa school wala ng nagyaya sa kanya kasi alam nilang ako ang ka date niya kaya. Subukan lang nilang ayain si Charm!

Kinakabahan pa ako nung makarating ako pero napalitan ng inis ang kaba ko nung makita ko si Lucky na nakaupo sa sofa nila at kumakain ng popcorn habang nanonood ng tv. Halatang magkatabi sila sila nakalapag pa ang popcorn ni Charm sa center table.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at iwan ko kung anong nangyari sa akin.

“Para sa’yo.” I gave her the flowers pero maalis ang masama kong tingin kay Lucky na hindi kami pinapansin.

“Pasok ka.” Tumagilid siya para papsukin ako pero hindi ako pumasok.

“Hindi na. Aalis na ako.” Pero hindi pa rin ako umaalis. Umaasa akong pipigilan niya ako.  OO na! Ako na ang dakilang asa.

“Ha? Pero kakarating mo lang.” Nagulat din siya sa sinabi ko pero kakainis kasi talaga. Paano kami makapag usap ng maayos kung may asungot! Takte! Bahay na niya ba ang bahay nila Charm? Sarap tirisin ng bakulaw!

“Di bali na! may bisita ka pala eh. Baka nakakistorbo ako.” Hindi ko maalis ang inis sa boses ko na alam kong napapansin ni Charm. 

Tumalikod na din ako. Walkout King? EH nakakabanas eh.

“Sam sandali!” Medyo napangiti ako nung hinabol niya ako. Ano ka ngayon Lucky? Hinahabol ako ni Charm. Eh ikaw? Bwahahaha.

Tumigil ako, kasi alangan naman na magpakipot ako. Ako kaya ang nanunuyo!

“ Sa susunod ko na lang sasabihin pag..pag wala ka ng bwisita!” Yun talaga ang sinabi ko. Wala akong pakialam kung magalit si Charm. Alam kong alam niya na nagseselos ako bakit ko magkukunyari. At least malaman niya na asar ako kay Lucky.

“Pumasok ka na kasi muna. Ano ba yang sasabihin mo? Sayang naman ang pagpunta mo dito tapos aalis ka kaagad.” Hinawakan niya ang braso ko para pigilin ako.

“Yayain sana kitang maging date sa Prom.”

“Ha?” Nakita ko siyang nagulat sa sinabi ko? Medyo kinabahan ako na baka may kadate na siya pero impossible. Alam kong walang nagyaya sa kanya na taga school.

“Ahhmmm Sam kasi niyaya na ako ni Lucky na maging date sa Prom.” Nakita ko siyang yumuko.

“Si Lucky? Pero di ba hindi naman siya taga school?”

“Alam niya kasi na may Prom at pwede naman ang outsider so tinanong niya ako kung may date na ako. Sabi ko wala, kaya sabi niya siya na lang daw ang date ko.” Nakayuko pa din siya habang nagsasalita.

“Kelan siya nagtanong?” Ang kapal naman ng mukha ng ipis na yun!

“Kahapon ng gabi.” Takte! Gusto kong magmura. Pero baka naman tumanggi si Charm.

“Umoo ka?” Ahhhhhh… Hindi ko alam ang irereact ko pag umoo siya.

“Hindi.” Nakahinga ako ng maluwag.

“So tinanggihan mo?” Salamat naman.

“Hindi din.” Napatingin ako bigla sa sinabi niya.

“Paanong hindi!?” Hindi ko napigilan na tumaas ang boses ko.

“Hindi naman kasi siya nagtanong! Sinabi na lang niya na siya na ang date ko dahil wala daw akong date at kawawa naman ako.” Namumula na siya na parang naiiyak.

“Pero alam mo naman na yayain kita di ba?” Alam niya yun dapat. Siya mismo dapat ang nakakaalam niyon kasi siya ang mas nakakaalam kung gaano ko siya kamahal. 

Yumuko ulit siya. Kahit gustong gusto ko nang magalit hindi ko magawa sa nakikita kong reaksiyon niya.

“Alam ko…pero two weeks na kasi…akala ko…di ka na magyayaya.”

“Nag iisip ako kung paano ka yayayain! Charm naman! Naghihintay naman ako sayo ah! Bakit di ka naghintay?” Ang sakit lang. Takte talaga! 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (85)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Zhang Han Yunas Charm Ming
Jang Geun Seokas Samuel Hendrick Po

Recommended

Seducing Your BoyfriendANG PAGHIHIGANTI NI NERD [no updates here]HEARTPRINT ON MY MIND (Book 1: In the Name of Love)Maybe We're Friends? (Ḱᗩ♈ᖺﬡᓰᗴᒪ) -ABANDONED!