Chapter 23. [Secure]

Magsimula sa umpisa
                                    

Binigyan niya ko ng tipid na ngiti at dahan-dahang inalis yung kamay ko sa mukha niya. "Okay lang ako Hannah. Pero baka mabugbog na naman ako dahil sa concern mo sakin."

"Huh?"

"Ayun oh." ngumuso siya sa likod ko. Pagkatingin ko...

Si Dylan, masama ang tingin samin at parang papatay ng tao.

Problema niya? Parang kinausap ko lang si Nathan! Psh.

Tumingin ulit ako kay Nathan.

"Lika. Kausapin natin si Dylan."

"Ha?"

"Basta!" hinila ko siya papunta kay Dylan na ganun pa rin ang expression sa mukha niya. Eto talagang lalaking 'to!

Tinignan ni Dylan yung kamay kong pinanghila kay Nathan. Binitawan ko kaagad. Aish, baka magalit siya. Hays.

Napatingin ako kay Nathan. He has an amused expression. Tignan mo! Si Nathan cool lang pero si Dylan akala mo papatay ng tao!

Nagtititigan sila. Teka, anong meron? Mga lalaki talaga oh!

"Ehem!" singit ko. Napatingin naman sila sakin.

"Ano ba 'to Hannah? Pipilitin mo pa rin ba gusto m--"

Tinakpan ko na bibig ni Dylan bago pa siya makapagsalita. Nung tumahimik na siya, saka ko binitawan ang madaldal niyang bibig.

"Dylan, mag-sorry ka na kay Nathan okay? Peace on earth!" ngiti kong sabi sabay peace-sign.

"Ako? Ayoko nga sabi! Tss!"

"Aigoo! Dylan naman eh! Nabugbog mo na nga si Nathan hindi ka man lang hihingi ng tawad? Half-brother siya ni Drake diba na kaibigan mo? You need to apologize!"

"Hannah, okay lang. May kasalanan rin naman ako eh." sabi ni Nathan. Maya-maya tumingin siya kay Dylan. "Sorry pre."

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon