{ ELEVEN }

2.7K 69 8
                                    

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

By toneewritestragedies

{ Eleven / Drunk in Love with Pain }

---

Ito na siguro iyong unang beses na naramdaman kong in love nga talaga ako and also at the same moment na broken hearted din. Hindi ko din alam kung bakit ako apektado sa nakita ko. Kasalanan ko naman kasi lahat e, hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa agos ng emosyon ko.

Kaya eto ako ngayon, umiiyak at kasama ni Mikko Shadows sa isang park malapit sa Asters. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon: sakit, lungkot, disappointment at kahihiyan. Kahihiyan in the sense na nakikita niya akong umiiyak ngayon, hopeless at walang magawa.

Kanina pa ako umiiyak pero wala ni isa man akong narinig na salita mula sa kanya. Hinahayaan lang niya akong ilabas lahat ng emosyon na mayroon ako ngayon. Naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa pisngi ko gamit yung Burberry niyang panyo. Shet, ultimo panyo mabango rin tulad niya.

“Walang masamang umiyak. Hindi ibig sabihin niyan mahina ka. Matapang ka para ilabas kung ano man ang nararamdaman mo ngayon. Nasasaktan ka e.” Sabi niya. Pero kung ano pa ‘yung nakakagulat, iyon ang pagkakasabi niya nung last sentence, parang may nararamdaman din akong sakit galing sa kanya. Ipinilig ko lang ang ulo ko.

Pinigilan ko ang pag iyak sa pagkagat sa lower lp ko. Tinignan ko siya. “Salamat sa pagsama sa akin.” Matipid ko siyang nginitian.

Nginitian niya din ako. “No worries. Nandito lang ako. I told you, I’m not just your study partner, I’m also your friend so cheer up!” tapos pinisil niya ng mahina ang baba ko.

Medyo na-guilty tuloy ako sa inasal ko sa kanya last time nung nasa Hertford kami to think na sa kanila pala iyon. So yaman lang. Pakiramdam ko I was rude at him pero heto pa din siya para daluhan ako sa problema ko.

“Friend?” ulit ko sa sinabi niya

Tumango siya. “Yup. Friend.”

Shet lang, nagtaasan ang balahibo ko doon ah! Ano ba ‘tooooooo!

“Soon, boyfriend.” Biglang bawi niya.

Nagulat ako bigla sa punchline niya leshey. Anong sinasabi nya?

“H-ha?” syempre pakipot akong hindi narinig iyon.

“Haha. Nothing.” Tumawa siya ng kaunti sabay tayo mula sa kinaupuan naming bench. In-offer niya ang kamay niya sa akin. Itinaas ko ang dalawang kilay ko to depict why he’s doing that.

“Let’s date!”

“Date? N-na naman?! Parang date lang ‘yung last time ha.” Ano tong pinaplano niya?

“Date is an activity done by two people or a group having fun and being done continuously and consistently.” Tapos ngumiti siya ng parang pilyo sabay hawak sa kamay ko at nagsimula niya akong hilahin paalis ng park.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon