Chapter 28

77.8K 1.9K 238
                                    

Date uploaded : June 26, 2014

AN.

Ayown... kagagaling ko lang ng hospital... salamat sa prayers ninyo at hindi ako nahiwa... Miracles do happen all the time because God is good. 

Ikaw Ben Policarpio.. binabasa mo pala ito a! hahahaha! Hi daw sabi ni Jerome at miss ka na daw nya. 

Sa mga na-meet ko noong booksigning sa SM Marilao, it has been a pleasure meeting you all. At sa mga hindi ko pa na-m-meet, I hope to meet you soon at MIBF sa MOA on Sept. I-b-broadcast ko na lang kung anong araw ako nandon. 

Epilogue na lang ang klang dito at makaka-home run na tayo!!! yehheheeee!!!!!

So Again.. sa IPAD ko lang tinype ito, no back read, dail tinatamad ako (Give me a break at kalalabas ko lang ng ospital!).. saka ko na lang i-e-edit kapag inayos ko na ang manuscript na to! 

HAPPY READING!

Chapter 28

Alex

"Annabelle, I want to talk to you."

Pinuntahan ko si Annabelle sa dorm room nya kinabukasan first thing in the morning. Hindi nga ako masyadong nakatulog sa kakaisip kung anong dapat kong gawin sa ipinarinig sa kin ni Josh. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kaya nyang gawin sa kin yon. Yeah, she could be a real bitch, but I can never imagine that she can be so cruel.

Ipinarinig ko din kay Charles yung audio para malaman ko ang side nya. Sa sobrang galit nya ay gusto na nyang ipaalam agad sa admin ito. Pinigilan ko na lang sya dahil gusto ko munang kausapin si Annabelle. She had gone too far. She even used Nikki to do her dirty works and suffered the consequences! Pero pinagisipan ko muna ito ng husto. What drives her to do it? Sobrang selos ba? Or there's something deeper? Pinsan ko sya, hindi man pinsang buo, pero kamag anak pa din. Ang pangit tingnan na kami pang magkapamilya ang nagkaroon ng ganitong hidwaan.

Kasalukuyang nag-eempake ng gamit si Annabelle. Pwede ko na sana syang komprontahin, pero nandito din ang roommate nya.

"I'm busy. Get lost." Mataray na sabi nya sa kin.

"You are going to come with me and we will have a nice chat."

Tinalikuran nya ako at kinuha nya ang mga natitirang damit sa drawer nya. Mukhang wala talagang balak na kausapin ako.

"Why do you want to talk to me? Nakuha mo na ang gusto mo diba? Nasa yo na ang lahat diba?! kahit un lalakeng pinakamamahal ko, kinuha mo na din! what more do want from me!" tumaas na ang boses nya na ikinagulat ng roommate nya. "Just get the hell out of here!"

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon