Chapter 12: Running away...with my past.

3.6K 62 11
                                    

Kathryn's POV

"Teka William ano ba?!" sigaw ko sa lalaking kanina pa ako hila-hila. 

Actually, ayoko makita o makausap tong lalaki na to eh. Para sakin, isa nalang siyang ala-ala. A part of  the past.

my past.

"Kath, trust me. Itatakas kita dito." sagot ni William habang papunta kami sa kotse niya

"Itatakas?! Anong pinagsasasabi mo diyan?!"

"Kath, alam ko ang lahat. Ayaw mong ikasal kay Albie, diba? Kaya eto. Tatakas tayo. Itatakas kita."

That made me furious.

"William stop."

"What?"

"I said stop running and let go of my hand." sabi ko ng diretso. Agad niya naman itong binitawan at tumingin sakin.

Then I slapped him.

"W-what was that for?" sabi ni William. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko dahil bumakat ang palad ko sa pisngi niya

"Wala kang karapatan na basta nalang ako hilain William."

"Pero gusto kitang itakas! Kath, pinagsisisihan ko na ang ginawa ko sayo noon. Kaibigan kita kaya naman---"

"Oo, Yam. Kaibigan kita. Dati. Mula nung ginawa mo sakin yun, kinamuhian na kita." sabi ko sa kanya habang inaalala ang nakaraan.

*Flashback*

Year 2009. Fourth year high school. Magkabarkada kaming tatlo: Ako, si Albie, at si William. Kami na ni Albie sa mga panahong yon; at si William ang nagsilbing tulay para saamin.

Hanggang sa isang araw, ang pagkakaibigang yun ay nasira.

Dahil sa ginawang pag-amin ni William.

"Kath, kain naman tayo oh. Gusto mo ng pizza, diba?" yaya sakin ni William habang naglalagay ako ng mga gamit sa locker.

"Sure! Sbarro tayo Yam!" Ako

"Okay. Kahit saan mo gusto."

"Yeah! Teka, itetext ko si Albie. Baka kasi gusto niyang sumama---"

"No, Kath. Gusto ko, tayong dalawa lang." sbi niya with a straight face. Parang bigla akong kinabahan.

"Okay. Youre acting strange, William. It scares me." Ako

"Wag ka nga matakot sakin! Gusto lang naman kitang masolo eh." sabi niya, then smiled. Ang gwapo talaga ni William. Pero sorry siya, mas gwapo si Albie. Hahaha!

"Asus, ang bestfriend ko, naglalambing." i said, then ginulo ko ang buhok niya.

"Eto naman! Minsan lang maglambing eh. I love you, bestfriend." William

"Awww. I love you too Yam! Youre the best friend ever. Seriously!"

Pagkatapos ng klase, dumiretso agad kami ni Yam sa Sbarro. Siyempre, nagpaalam ako kay Albie na sasama ako kay William. Pero okay lang yun sa kanya, di naman yun seloso eh.

Habang kumakain, napansin ko na nakatitig lang sakin si William. Yung tipong hindi kumukurap. Stalker-ish.

"William, matunaw ako niyan." biro ko sa kanya. Agad naman siyang napaiwas ng tingin at kumain.

"S-sira ka. Feeler mo ha." sbi niya

"Alam ko may gusto ka sabihin, Yam. Sabihin mo na." kanina ko pa kasi siya napapansin na para bang di mapakali. Parang may gusto siyang sabihin. At parang alam ko na kung ano yon.

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon