CHAPTER TWENTY-FOUR

16.9K 237 64
                                    

[STHEP'S POV]

Tumawag sakin si Kathy coz for the nth time, umiiyak na naman siya. Baliw na ata yung kaibigan ko eh. Ilang beses ko na ba siyang nakitang umiyak? Ah. Madaming beses na. High School pa lang kami, iyakin na siya eh. Simpleng bagay lang, iniiyakan na. Sobrang weak ng personality ni Kathy. Kaya minsan, parang ang sarap batukan.

"Ano ba naman yan Chum! Ano na namang problema mo?!" Halos masira na ang mouthpiece ng phone ko sa pagsigaw ko sa kanya.

"Gusto kong uminom Sthep."

"Hindi! Anong inom? Baka gusto mong tadyakan kita ng matauhan ka?"

Narinig kong humikbi siya. Alam kong pinipigilan niya ang pag-iyak kahit na hindi niya kaya.

"Tungkol na naman kay Damon to 'no?"

"Hindi."

"Wag ka ngang sinungaling!"

"Kung ayaw mo akong samahang uminom ... ako na lang."

"Tumigil ka-"

Busy tone na ang narinig ko sa kabilang line.

"Shit!"

Nagbihis ako.

Kailangan kong puntahan si Kathy.

Kailangan ako ngayon ng bestfriend ko.

Kahit hindi ko alam kung anong nangyari o kung anong problema,

kailangan ko siyang damayan. Nakakainis nga eh. Hindi ko magawang i-confront si Damon sa behavior ng kaibigan ko. Kahit na alam na alam ko naman na siya lang ang pwedeng maging dahilan ng lahat ng to.

Ano kaya kung tawagan ko siya?

Or puntahan kaya?

Pero paano?



Hindi ko alam kung paano ko hahanapin si Damon kaya naman nagtanung

tanong ako sa mga dati naming kaklase, mga dati niyang kaibigan. Hanggang sa may nagreply sa message ko:

Hindi ko alam kung ito pa rin ang address niya. Pero eto, subukan mong puntahan.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad kong pinuntahan ang address na ipinadala sa akin ng isa sa mga kaklase namin nung high school.




"Ang dilim naman ditto. Hindi ba ditto uso ang street lights? Gawd!" Reklamo ko habang naglalakad sa subdivision kung saan daw nakatira si Damon. Nakiusap ako sa tricycle driver na kung pwede ay ihatid ako sa mismong address pero hindi ito pumayag. Kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad.

"Eto na kaya yun?"

Tinignan ko ang address na nakasulat sa gate.

"Lot 10 Blk 02? Ah. Ito na nga yun!"

Pinindot ko ang doorbell.

Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang isang babae. "J-Julia?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko siya sa bahay nila Damon.

Teka, sa bahay nila Damon?

"It's almost midnight, anong ginagawa mo ditto?" Tanong niya sakin.

"Ano kasi ... si ano-" At dahil sa sobrang gulat ko ay nakalimutan ko ang sadya ko sa lugar na ito. "N-nandiyan ba si Damon?"

"Oo naman. Bahay niya 'to di ba?"

"So andiyan nga siya? Pwede ko bang makausap?"

"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin. Hindi siya ngumingiti. Sobrang seryoso ng mukha niya. Malayong-malayo sa Julia na nakilala ko.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon