Chapter Two

183K 3.4K 136
                                    

"FOR pete's sake Bree! Hindi ka pa rin ba nakakamove-on sa lalaking nakilala mo sa Royale's?" inis na piksi ni Ayeth nang marinig na naman nito ang litanya niya tungkol sa lalaking bigla nalang siyang tinakbuhan. Hindi man lang ito nagpasalamat.

"Bumaba ang self-esteem ko dahil sa lalaking iyon. Girls you know naman I am not ugly pero bakit tinakbuhan niya ako ng ganoon?" naasar pa rin siya hanggang ngayon.

"Sabihin nalang natin na kahit gaano ka kaganda may mga taong hindi pa rin nagagandahan sa iyo. Bakit ka naman kasi lumabas ng bahay na hindi nagsusuklay. Seriously Bree, kami lang yata ang nakakasurvive sa ugali mong hindi nagsusuklay."

"Kainis ka Rayleigh." Hinampas niya si Rayleigh dahil imbes na pagaanin nito ang loob niya ay mas lalo pa nitong dinagdagan ang kanyang nararamdamang pagkainis.

"What are friends are for?" matabang na pagtutuloy ni Ray. Nasa isang mamahaling beach resort sila ng mga oras na iyon. Sinama niya ang kanyang mga kaibigan dahil mas gusto niyang may mga kasama siya kapag nag-a-unwind. Agad namang sumama si Rayleigh dahil gusto nitong kumuha ng mga pictures habang si Ayeth naman ay gustong makahanap ng inspiration sa pagsusulat nito ng nobela.

Habang nandoon sila ay nag-apply na nga itong maging janitress. Gusto daw kasi nito na ang sunod na bida sa nobela nito ay isa namang janitress.

She's wearing a pair of red sinful bikini. Her brother would probably turn havoc once he'd seen her with it. Kaya nga hindi niya friend ang kapatid sa social media at hindi rin ito mahilig magbrowse sa isa isang picture sharing social media. At hindi lang siy ang may ganoong outfit, her friends were wearing bikinis too.

Kasalukuyan silang nakahiga sa buhanginan, gusto niyang magpa-tan. Mula noong bata pa siya ay gusto niyang magkaroon ng tan-skin pero kahit anong gawin niya ay hindi siya umiitim. Bahagyang namumula lang ang kanyang balat pero hindi nagtatagal. Para kasi sa kanya ay sexy ang tan at morena. Her skin is as white as snow, pakiramdam niya ay isa siyang bond paper kung wala siyang kilay at buhok. Her features were too soft too. Sabi nila she looks like an angel dahil sobrang amo ng kanyang mukha.

Pero hindi pagpapatan ang tanging dahilan kung bakit nasa resort siya. Gusto niyang mahanap muli ang drive niya sa pagpinta. She's a painter by profession pero graduate siya ng kursong Architecture sa isang kilalang unibersidad. Mas gusto niya ang maghalo ng kulay at magpinta. Medyo mahirap sa una lalo pa at marami ang katulad niya sa napiling propesyon. Nagtiyaga siya hanggang sa dumating ang puntong nagkaroon na siya ng mga kliyente at ngayon ay may sariling gallery na rin. Marami na rin siyang natulungan na mga painters. Gusto niya ang ginagawa niya kaya lang nitong mga nakaraan ay tila may kulang na hindi niya matukoy. Maganda ang kanyang mga obra pero may kulang, hindi na siya kuntento.

Parang hindi na niya matagpuan ang puso sa bawat piraso ng kanyang mga gawa. She felt empty, she can't produce a heart-warming obra maestra anymore and that scares her.

"Bru, your phone is ringing." Untag ni Ray sa kanya.

"Shut it down." She hissed. Wala siyang balak sumagot ng tawag kapag nasa vacation mode.

"Your brother is calling." Agad siyang napatingin sa screen ng kanyang cellphone. At tama si Ayeth, ang kapatid nga niya ang tumatawag sa kanya. Mabilis niyang inabot ang telepono at sinagot ang tawag.

"Beatrice Gem!" sigaw ng kapatid niya na naging dahilan kung bakit napaupo siya ng tuwid. Minumura niya ang sarili sa isip niya. "Bakit ang tagal mong sagutin ang phone mo?"

"Nasa resort ako kasama ko ang mga friends ko."

"Saang resort?" she told him the location. "Good, take the fastest car to Ventura Architectural Firm."

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon