Finding Happiness - Part 9

4.1K 49 9
                                    

Nakalabas naman agad si Cobbe sa ospital. Hindi naman daw severe ang infection na nakuha nya kaya pwede na syang sa bahay magpagaling. Hindi nagtagal ay umalis na din ang mommy ni Sarah kung kaya nagdesisyon na kaming magmove in sa bahay nila Fred.

Wala kaming balak baguhin ang bahay, tanging mga importanteng gamit lang ang dinala namin.

'Baby, balik na tayo sa house!' Narinig ko ang masayang sigaw ni Sarah habang papasok ako ng bahay dala ang ilang gamit ko. If you didn't know these two, mapapagkakamalan mo talaga silang mag-ina. Wala namang ginawa si Cobbe kungdi pumalakpak at tumawa na parang naiintindihan nya ang ibig sabihin ni Sarah.

'Ge tignan mo si Cobbe oh! Tuwang tuwa!' Sabi nya ng mapansin nyang nakatayo lang ako sa pintuan ng bahay. Di nya alam kanina ko pa sila tinitignan. Ang ganda nya lalo pag nakangiti, nakangiti din pati mata at labas ang dimples. Ganda noh? 'Huy Ge! Naging statwa ka na dyan.'

'Oo nga tuwang tuwa si Cobbe. Namiss nya ang bahay nila.' Bawi ko. Ano ba yan napapadalas na tong pagkatulala ko sa kanya. Kailangang gawan ng paraan. 

Kahit sinong babae Gerald. Wag lang yan. Ano kaba.

'Sige Ge, ikaw na ang unang mag-ayos, ako muna ang hahawak kay Cobbe.' Habang nilalagay nya sa crib si Cobbe.

'Sige madali lang to.'

'Okay.' With smile.

Susko po. Yang mga smile na ganyan.

'Sige ako na lang yung gagamit dun sa dulo.' 3 kasi ang kwarto sa bahay nila Fred - kwarto nila na kwarto din ni Cobbe at dalawang guest room na mostly ay kami din ang gumagamit. 

Habang paakyat ng hagdan, 'Ay Ge, palagay naman nung crib ni Cobbe na nasa kwarto nila Kath sa guest room na gagamitin ko. Di ko kasi kayang buhatin, may bato ata sa ilalim yun.'

'Hahaha!' Marunong din palang magjoke si Sungit. 'Sige ako na lang maglilipat. Yun lang?'

Bigla syang nag-isip. Kailangan nilalabas ang dimples pag nag-iisip? Nakakainis naman to si Sarah. Pinapahirapan ako lalo. Hays! 'Wala na Ge, yun lang.'

Pero di pa rin ako nagalaw.

'Ge sabi ko yun lang.'

'Ah sige. May naalala lang ako bigla.' Sabay tawa. 

Sige gayahin mo si Budoy Gerald.

Patakbo kong inakyat ang hagdan papunta sa kwarto.

Ano ka ba Gerald, para kang tanga. Labanan mo! Teka. Bakit kailangang labanan? Takot ka? Ay sus!

Nang matapos ko ng iaayos ang gamit ko, bumaba na ko para ako naman ang magbantay kay Cobbe.

'Ok na, ikaw na.'

Pagbaba ko ay nanunuod sya ng TV habang karga si Cobbe.

'Ay sige, kanina ko pa gusto magpalit ng damit.' Habang binibigay nya si Cobbe. Bago pa ako nakasagot ay patakbo din syang umakyat ng hagdan, pero bago sya pumasok ng kwarto bigla syang sumigaw, 'Ako magluluto ng dinner, bawal lumabas!' 

Bawal lumabas.

'Nako baby, bawal daw lumabas kundi papaluin tayo kaya wag kang lumabas ah!' I tickled him which made him giggle.

After an hour ay bumaba na din si Sarah. White loose tshirt at black leggings. Napakasimple nya. Walang make-up pero namumula ang pisngi.

'Sorry napatagal yata ako. Kaya mo pa ng another hour? Magluluto na ko.'

Ay parang di ko na kaya. Nakakapagod pala mag-alaga ng bata.

Ring. Ring. Ring.

Pareho kaming napatingin sa cellphone namin.

'Akin yun.' Habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa. 

'Sige akin na muna si Cobbe.' 

'Salamat.' Sino ba to? Pasira naman. 'Hello?'

'Bro! Paalala ko lang na may night out later ang team!' Sigaw nito sa kabilang linya.

Damn. Nakalimutan ko.

'Pare di ako pwede. Kakalipat lang namin eh.' Bulong ko, baka kasi marinig ni Sarah.

'Naks! Tinatanggihan mo na kami ngayon ah. Daddy na daddy ka na talaga!'

'Loko loko. Nakakahiya lang kasi umalis.' 

'Ipapakilala ko pa naman sayo yung chicks na sinasabi ko sayo.'

Chicks? Teka. Diba kailangan kong gumawa ng paraan? Tama kailangan ko ng ibang chicks.

'Sige pero late na ko makakarating. Same place right?' 

Hay nako Gerald. Alam mong mali. Mali yang paraan mo!

'Yes same place. See you bro!'

'Bye.'

Pagbaba ko ng cellphone ay nakatingin na sa akin si Sarah.

'Mukhang di na ko magluluto.' With half smile.

'Ano ka ba. Gusto ko nga matikman luto mo. Late na lang ako pupunta.' Totoo yun. Syempre gusto ko matikman ang luto nya.

'Ano ka ba Gerald.' Gerald, hindi Ge. 'Sige na, ayos na naman dito. Ayos na lahat. Kaya ko na.'

Tignan mo ginawa mo.

'Sorry Sarah. Bawi ako. Ngayon lang to.'

'Nako, Gerald kilala kita. Sige na. May susi ka naman ng bahay. Ingat ka nalang. Lika na baby, kain na tayo.' Pagkatapos ay tumalikod na sya papuntang kusina.

++++++++++++++++++

@arianeffinbass on twitter!

Nako! Si Gerald talaga! (:

Finding Happiness - An AshRald FanFictionWhere stories live. Discover now