The Band of Friendship. (1 of 5)

11.3K 287 22
                                    

The Band of Friendship. (1 of 5)

The friend, the listener, the selfless, the brother and the hurt.


KENNETH. The Friend.

Pagkaalis namin ni Caloy kina Kari at Sean, dumeretso kami sa Infinity Restobar. Ewan ko bakit kami napadpad dito. Pero di naman kami tutugtog. Magpapalamig lang siguro ng ulo.



”Brad, mangchix na lang tayo.” Binatukan ko si Caloy na nagpapacute sa mga girls sa kabilang mesa.



”Wala na nga si baby Kari, ganyan ka pa.”Uminom ako ng iced tea. Oo, iced tea lang. Shempre mabait ako, hindi ako umiinom ng hindi dapat dahil nakakapangit ng katawan yon. Ang sexy ko pa man din.



“Yun na nga pre, wala na yung prinsesa natin. Tara na’t humanap ng bago.”



“Siraulo ka talaga. Hindi napapalitan si Kari basta-basta. Dyan ka nga muna.”Iniwan ko dun si Caloy at kinausap ko si Tita Erin na busy sa may counter at may kausap. Sumenyas ako na tutugtog ako sa may stage since wala pa namang nakasalang na banda.



“Go! Walang bayad yan ah. Ikaw may gusto eh.”



“Kuripot mo talaga tita, kahit libreng food, wala?” Pacute ko bago umalis. Binato lang ako ng tissue paper ni tita. If I know pag balik ko sa table namin may pagkain na non. Si Tita pa, di naman kami natitiis non.

Naglakad na ko papunta sa harap. Sakto namang nadaanan ko si Caloy na nagpapacute sa mga girls at nakikipagkwentuhan. Nakihighfive lang ako tapos umakyat na ko sa makeshift stage dito sa bar.



Bucket full of tears

Baby, know I'm here

I'm here waiting

Napatigil yung iba sa ginagawa nila tapos nakinig.



Close your precious eyes

And just realize

I'm still fighting

Biglang may dumating sa bar at tinitignan ko siya na parang wala siya sa sarili. Sinenyasan ko si Caloy na tignan din siya.

Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon