Chapter 36 - Decisions

116K 2K 243
                                    

Chapter 36 - Decisions


“Umalis ka na rito! Hindi ka namin kailangan dito!” Ivy frantically shouted at Monique. Mahigpit na hinawakan ni William ang magkabilang balikat ng asawa niya para pigilan itong magwala.

Umiiyak na rin si Monique dahil sa mga sinabi nito sa kanya, she was crying because she knew deep inside that all of the accusations were her fault. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nagkaganito ang buhay nilang dalawa ni Nick ngayon. Kung hindi lang sana naging makitid at makasarili ang utak niya. Nick would not be suffering in the hospital. Dahil sa kanya, lumala ang sakit nito. She was all the blame.

“M-Maam.. I’m so sorry.. Patawarin niyo ako..” she cried as she tried to approach Ivy again. Ang sobrang laki ng kasalanan na ginawa niya. She was so heartless and selfish. Ni hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ni Nick, ni hindi man lang niya iniisip na sobra-sobra na ang panggagago niya rito.

Pero bago pa man siya makalapit kay Ivy ay bigla siyang tinulak nito kaya naman napaupo siya sa sahig. “Umalis ka na rito! Get the hell out from my son’s life! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya wala kang karapatan na pumunta rito!” galit na sigaw sa kanya ni Ivy and William just remained silent.

Kung noon, si William ang nagsasalita ng masama laban kay Monique while Ivy was always the one who never say anything, ngayon, iba na. It was now Ivy who was profusely shouting and looking daggers at Monique for her selfishness.

Mas lalong napaiyak si Monique nang mapaupo siya sa sahig. Sising-sisi siya sa ginawa niya kay Nick.

“Ate Monique..” kaagad naman siyang nilapitan ni Noreen at hinawakan ang magkabilang-balikat niya. Then she helped her to stand up. Naiiyak din ito habang pinapanood ang eksena nila ni Ivy.

“Ilabas mo yang babaeng yan, hindi natin yan kailangan.” Ivy coldly added at tinalikuran sila. Pumasok na ito sa loob ng room kung saan nakaconfine si Nick at kaagad din namang sumunod si William dito.

---

Umiiyak na napaupo si Monique sa upuan sa lobby ng entrance ng ospital. Hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na umiyak, kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nasa ospital ngayon ang asawa niya.

Sising-sisi siya sa mga nagawa niya.

“Ate..” she felt Noreen sat beside her. Hinahaplos-haplos nito ang likod niya, giving her comfort even if deep inside, parang sasabog na siya sa mga halu-halong dinaramdam niya.

“Kasalanan ko ang lahat ng ito, Noreen.. Tama naman sila.. Hindi ko pinahalagahan ang kuya mo.. Ginago ko siya.. Dahil sa kin kaya siya nagkaganito..” she cried more. If she could only turn back time..

“Ang sobrang sama ko, napakamakasarili ko.. “ Monique buried her face into her hands. She was still crying. “Hindi ko na kasi alam e.. Ang sarili ko lang ang naiisip ko.. Sising-sisi ako sa mga nagawa ko Noreen..”

Niyakap na lang siya ni Noreen at lalo pa siyang napaiyak sa mga bisig nito. “Pero maniwala ka sa kin.. Mahal na mahal ko ang kuya mo.. Mahal na mahal ko si Nick.. It’s.. it’s just that natabunan lang ng galit ang puso ko.. Hindi ko na kasi alam e.. simula ‘nung mangyari ang lahat ng iyon.. the day we lost our daughter..” she explained.

Simula ‘nung mangyari kasi ang lahat ng iyon, natabunan ng galit ang puso niya. She was mad because everyone around her lied and fooled her. Niloko siya ng sarili niyang pamilya mismo, pati na si Nick na asawa niya, lied to her. Then she lost their daughter because of it. That’s why she became cold to him again. Pero pinagsisihan na niya iyon. It was very wrong. Ginago niya ng husto si Nick.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon