What I talk about when I talk about riding jeepneys.

89 0 0
                                    

Sa tingin ko ay walang English ang barker sabagkat wala namang jeepney sa Amerika. O tayo ang nalilinlang na ang barker pala ang nangangailangan ng tagalog translation? Taholer.

Kanina sa sakayan ng jeep habang pauwi ako. Nung pasakay na ako. Sabi nung barker, “o dalawahan pa kaliwa’t kanan!” sa aking pagsakay ay may dalawang taong nauna sa aking sumakay. Dahil nga dalawahan pa at kaliwa’t kanan ay inasahan kong may dalawa pang mauupuan, tig-isa, kaliwa’t kanan. Hahakbang na ako ngunit hinarang ako ng barker at mahinang sinabi sa akin na, “sinabi ko lang yun para sumakay sila” sabay ngiti sa akin at agad ko namang nalaman ang ibig sabihin niya.

Nakita niyo ang marketing ni manong barker? Sinabi niyang maluwag para isipin ng mga sasakay na talagang maluwag pa. Pero hindi basta sinabing maluwag. Sinabi niyang dalawa pa ang kasiya kaliwa’t kanan upang pumasok sa ating isipan na maluwag gayong pagpasok natin sa loob ng jeep ay kakapraso lang ng pwet natin ang kasiya. Kung nagmamadali ka kasi, hindi ka na lalabas at kung hindi syempre lalabas ka kasi nga choosy ka.

Bakit ka nga naman sasakay at magbabayad sa jeep kung hindi ka naman nakaupo ng ayos? Kaya gusto kong ipropose bilang malayang tao ng Pilipinas na nakadipende sa laki ng pwet na nakaupo ang bayad natin sa jeep. Bali ang Sistema nito ay naka dipende sa kung gaano kalaki ang masasakop ng pwet mo. Kung malaki ang pwet mo mas mahal at kung mas maliit naman ay syempre mas maliit bayad mo at kung kalahating pisngi naman ay syempre kalahating bayad. Dun din papasok ang term na “pambatang pwet” na magagamit natin sa ganitong paraan. “Bayad nga po pambatang pwet”. Ipag-uutos din ng LTO na kailangang may medida ang maniningil ng jeep. At ganito na ang magiging voice over ng barker, “o kapraso, kaprasong pwet nalang o kabilaan! Dalawang dangkal lalakad na!”

Pero gusto kong ituon ang sinabi ng barker bilang larawan ng ating politika. Lahat sila ay kanya kanyang power lines na sila lang ang nakakaalam kung magkakatotoo ba o magiging libag lang sa hangin. Dadaanin nila tayo sa matinding effort, pang boyfriend material effort baga na “turn on yung lalaking maeffort”. Bibigyan nila tayo ng flowering words. Pang bad boy na boyfriend talaga ang mga hinayupak ano po? Pero paano kung nagsasabi sila ng totoo katulad ng ibang lalaki? Paano kung sila pala yung leader na TL sa ating inang bayan? Pero hindi mo na masisisi ang taong bayan dahil nasaktan na sila at ang iba sa atin ay patuloy paring nagpapakatanga sa mga politikong manloloko.

Once a great politician said, “Tatanggalin ko ang kahirapan ng Pilipino mula sa neck neck nyo hanggang sa anp kayo hilo?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What I talk about when I talk about riding jeepneys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon