11. Kung Kayang Iwasan, Iiwasan

786 36 10
                                    

Kung pwede lang irewind ang mga nangyari bago pa maging it's complicated. Hindi ko naman sya kilala dati. Pero isang araw, bigla na lang nag-slow mo. Pag nagiislow mo pa naman, may masamang nangyayari. Lalo na't para sa kanya, ako lang yung katawatawang kaibigan ng pinsan niya. Na kahit kailan, hindi niya makikita. Pwede naman siguro bumalik dun sa panahon na di ko pa siya kilala. Sa panahon na hindi pa complicated.

At ngayon na yung chance ko. Kung gusto nya bumalik sa simula, pagbibigyan ko sya. Pero simula ngayon, ako na ang magpapasya. Tapos iiwasan ko na siya. Ilang beses ko na ba sinabing iiwasan ko siya?

Umalis ako sa pwesto kung saan napag-usapan naming magkabanga. Tumakbo ako ng mabilis. Pumasok ako sa mga eskinita, nagtago, nagpahinga, tapos takbo ulit. Nung alam kong malayo na ako, tumigil na ako. Walang alam si Zackrey sa lugar namin kaya siguradong hindi nya ko mahahanap. Iiwasan ko na lang sya bukas at sa susunod na mga araw, hanggang bumalik sya ng Maynila.

Nasa isang masikip na eskinita ako. 30 minutes na rin, tapos isang oras. Wala pa din. Saan kaya ako pwede pumunta? Hindi naman pwedeng magtago lang ako dito maghapon, ang init-init. Hindi na siguro ako mahahanap ni Zackrey kaya umalis na ko sa pwesto at naglakad ng...

Natapilok ako at natumba. Converse na nga lang, natapilok pa. Tumayo ako at tiningnan yung braso ko, tapos yung tuhod ko, pati damit ko. Puno ng putik.

Yuck! Ewwww! Kadiri!! GRRRR!

Nahulog lang naman ako sa kanal.

Kailangan kong umuwi! Ay, hindi pala ako pwedeng umuwi ng ganito. Pagagalitan ako ni Mama.Yung nabasa nga lang ng yubig yung damit ko nag-hysterical na siya, putik pa kaya. Dadaan na lang ako kina Patchot. Ay, baka mandiri yung mga tao dun, hindi na kumain. Kila Tita Baby na lang.

Dahan-dahan akong naglakad, dumaan ako sa mga shortcut at nagtago sa mga damo pag may tao. NKKHY. Hindi ba matatapos yung kamalasan ko ngayong summer? Dahil to sa Zackrey na yun eh.

Malapit na ako sa bahay nila Tita Baby. Isang tawid na lang. Kaya lang baka may makakita sakin na ganito ako kaya umupo muna ako at nagtago sa likod ng gumamela.

"Uy, Lavinia, anong ginagawa mo jan?" May nagsalita sa likod ko.

"Waaaa!" Napatayo ako sa gulat. "Paul, ikaw lang pala. Kala ko kung sino na."

"Uy, anong nangyari jan?" Tinuro niya yung damit ko na puno ng putik.

"Nahulog ako sa kanal, eh."

"Yuck." Pang-aasar niya. 

"Ano ba, samahan mo na lang ako tumawid jan kila Tita Baby." Sabi ko. Hinuha ko yung braso niya at nagtago sa likod niya.

"Kadiri. Uy, lumayo ka nga sakin." Sabi ni Paul na inaalis yung kamay ko.

"Bilis na, ang lapit-lapit. Tatawid na lang tayo oh." Sabi ko at tinulak ko siya. Naglakad naman siya. 

Nung nakapasok kami sa gate ng bahay ni Tita Baby, agad kong binitawan yung braso ni Paul tapos kumatok sa pinto. Lumabas naman agad si Tita Baby.

"Oh, Lavinia! Anong nangyari sayo?"

"Mahabang istorya, Tita Baby. Basta nahulog po ako sa kanal, eh. Pwede po bang makihilamos sa inyo? May extrang damit po ba kayo diyan para sa mga model niyo? Pwede pong pahiram? Hindi kasi ako pwedeng umuwi ng ganito, eh. Pagagalitan ako ni Mama." Sabi ko ng tuloy-tuloy.

"Kalma lang. Tara, pasok." Pumasok ako sa pinto. Sumunod naman si Paul.

"Oh, Andyan ka pa pala." Sabi ko.

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon