Finding Happiness - Part 1

7.2K 48 2
                                    

Ring. Ring. Ring.

'What the. Ang aga naman! Bakit ba?' Iritable sagot ko sa kung sino man tao ang may lakas ng loob na tumawag saken ng alas-10 ng umaga.

'Ang aga pa ba? O tanghali lang talaga balak mo gumising?' Sagot ni Fred.

'Umaga na kasi ako umuwi kaya inaantok pa ko at masakit ang ulo ko.' Sagot ko sabay upo sa kama para maayos ko syang makausap.

'Tumayo ka na at tulungan mo ko bumili para kay Kath.'Si Kath. Ang girlfriend ni Fred for almost 6 years.

'Bakit isasama mo pa ko? Ginawa mo pa kong alalay.'

'Kelangan ko kasi yung opinyon mo.' Masayang sagot nito.

'Ano ba kasi yan? Huwag mong sabihin na bibilhan mo ng kotse yang girlfriend mo.' Bigtime pala tong best friend ko na to.

'Hahaha! Loko loko. Iba bibilhin ko, mas importante sa kotse.'

'Eh ano nga?' Inis kong sagot.

'Singsing pare. Magpopropose na ko!' Sigaw nyang sagot.

'ANO?!'

'Gusto mo pa bang uulitin ko? Hehe. Sabi ko magpoprose na ko.' Tuwang tuwa ang loko.

'Maka-sigaw ka naman dyan kala mo um-oo na si Kath. Mamaya ayaw ka pala pakasalan.' Biro ko. Pero alam ko naman na hindi tatanggi si Kath. I've witnessed how they relationship grow. I'm happy for my man!

'Eto naman kinakabahan na nga ako e. Ano? Kita tayo mamayang 2 pm para makatulog ka ng konti.' Medyo nanginginig nga ang boses ng loko. Kinakabahan talaga!

'O sige kita na lang tayo sa Trinoma!' Kailangan ko syang suportahan, lalong lalo na ngayon. 

'Salamat Pare! Sige Bye!' Paalam nya. Hindi na naman nagtataka na magpapakasal si Fred. Ang tagal na din naman nila. 

Ako nga pala si Gerald Anderson. 28 years old. Basketball player. Single and I believe na never ikakasal. Paniniwala ko kasi na pag kinasal ka na, end of everything na. Plus the kids. Dont get me wrong, i like kids but not for me. Mas nag-wowork saken yung mga fling lang. Hindi sakal. Walang promises. Walang commitments. Walang emotional attachment. Which is kabaligtaran ng best friend ko na hopeless romantic, pero alam ko.. masaya sya.

+++++++++++++

@arianeffinbass on twitter! sorry po sa mga errors! (:

Finding Happiness - An AshRald FanFictionWhere stories live. Discover now