My Ultimate Boyfriend [PG - 13, MEDYO ON-GOING.]

spinner.gif

TXN. 11

(Teaser)

 

***

MAGKASAMA ang mag - Twash sa Frankenstein's ngayong hapon. Maagang na - suspend ang klase dahil sa University Faculty Meeting ng DQ. Kesa naman ma - bore sa kani - kanilang mga bahay at kumain magdamag, napagdesisyunan na lang nilang mag - kape sa coffee shop na nabanggit.

 

"Twash!!" Sambit ni Ava na tila sobrang excited dahil sa kung ano mang ibabalita nito.

 

"Ano yun Twash?!!" Sagot naman ni Erin habang nakatingin pa rin sa binabasang libro.

 

"Tara'ng mag - Smart Shop sa Saturday!! May ipapakila ako sayo." Anito na tila kinikilig.

 

"Oh talaga Twash? Sino?!" Binitiwan muna nito pansamandali ang librong binabasa, sabay tingin kay Ava.

 

"Si a-ano, uhm boyfr--"


*Munjawashong, Munjawashong, Tinin ninin, Tinet! Munjawashong, Munjawashong, Tinin ninin, Tinet*

 

"Twash, nagri - ring yung phone mo."

 

"Oo nga e. Twash sagutin ko lang ha .. Ay shemay dakara!!--"


"Hello babe, oh? Kamusta ka na?! Really?! Naayos mo na yung papers mo?! Ahh, okay. So, ayos na?! Ahhh. Buti walang naging problema?! Uhh, eh wala namang class e. Na - suspend dahil sa faculty meeting, so nandito kami sa Frankenstein's. Sino kasama ko?! Bakit? Selos ka?! Wushouu! Bestfriend ko. Uhm .. Gusto mo siyang makilala?! Don't worry babe, this coming Saturday magma - malling tayo. Yep, I'm sure, you'll like her. Ahm .. She's cute. Nah, hindi pala siya cute, maganda siya.. Prettier than me?! Hmmm .. siguro?! Haha! Oh siya, magagalit na 'to, I'm frontstabbing her. Haha. O sige na babe, I'll be expecting you sooner, okay?! I love you ,  Bye!"

 

"Naku, siya yung tumawag Twash no?! Hindi kasi obvious na kinikilig ka e." Wika ni Erin.

 

"Ahehehe. Natutuwa lang ako Twash, kasi feeling ko magkakasama na kami sa iisang university." Sagot naman ni Ava.

 

"Weh?! Magta - transfer siya?!" Tuwang - tuwa namang sambit ni Erin. Hindi niya maipaliwanag ang nadadamang saya para sa matalik na kaibigan.

 

"Yep. Oh ayan ha, mukhang magiging trio na tayo. Haha! Sorry nga pala Twash kung hindi ko siya naikwento sayo dati. Three months pa lang kasi kami as of now." 

 

"Ang duga mo nga e, may lovelife ka pala, hindi mo man lang sinasabi sakin. Ganyan ba ang magbestfriends ha?!" 

 

"Eh kasi, last year parang mag - M.U pa lang kami non, tapos ewan.. parang kami na hindi. Gets mo?! E kasi naman, LDR Twash, at ang hirap lang. So 'yun, hanggang sa three months ago, nagpunta siya dito, tapos 'yun.. sinorpresa niya ako and he asked me kung pwede ba niya kong maging .. you know, girlfriend."

 

"Sus! E di *KP ka namang bruha ka?!"  (Kilig P ... yun na!) Tudyo ni Erin kay Ava.

 

 "Ahehe. Syempre, first boyfriend e." Sagot naman nito habang kilig na kilig at nangingislap ang mga mata.

 

Natutuwang - naiinggit si Erin para sa matalik na kaibigan. Bigla tuloy siyang napatanong sa sarili kung normal pa nga ba siyang nilalang dahil ni minsan, hindi pa niya ulit nararamdaman ang mga ganitong klaseng kababalaghan.

 

Kelan nga ba niya huling naranasan ang kiligin?! 

 

Three years ago?!

 

"Ano nga pala'ng name niya Twash!?"

 

"Ahhh .. Za--"

 

*Miss Avaaaaa!! Miss Avaaaaa!!*

 

"Twash, ready na ata yung coffee natin. Tawag ka na sa counter e."

 

"Sige Twash, kunin ko lang ah. Stay put."

 

"Ano ko, tuta?! Bruhang 'to!"

 

***

 

OMO!!! Sino kaya ang mahiwagang nilalang na ipakikilala ni Twash Ava kay Twash Erin?!"

 

 

....Abangan!

 

 

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended