Chapter Two

3.2K 52 1
                                    

Chapter Two

(Sophie Dela Rosa)

Lumipas ang ilang araw at nagsimula na rin ang normal na klase namin. Katulad pa rin ng dati, pinepeste pa rin ako ni Mr. C. At ito pa ang masama, kahit si Sir Peter inaasar na rin kami.

Tapos yung mga kaklase ko pa, nakikisakay na rin at nagbigay pa ng couple name namin, Mr. And Ms. C daw. Mr. Conceited kasi yun tawag ko sa kanya at Ms. Clumsy naman ang tawag niya sa akin. Hindi ba, ang saya lang? Insert sarcasm here.

Siyempre dahil doon, hindi ko rin naiwasan na hindi magkaroon ng mga kagalit. Nakakainis nga e, hindi ko gusto yung mga iyon at willing pa nga akong makipagpalit sa kanila ng puwesto kung puwede lang.

Isa pa si Louis, a-absent pa yata ng isang linggo kasi nagkasakit. Ang weird nga e, parang hobby na nga niya yata yun kasi lagi siyang nagkakasakit tuwing first week ng school year. Iyon din yung dahilan kaya lagi akong napipilitang kumopya ng notes at makinig sa teacher namin. Ituturo ko pa kasi iyon sa kanya, kahit nakakatamad. Pasalamat siya concern ako sa kan'ya kaya dapat pakopyahin at turuan niya ako sa mga homeworks namin!

Tamad na tamad na ako mag-aral pero hindi ibig sabihin niyon na puro line of 7 ang grades ko sa card. Marunong naman akong mahiya at magbigay ng pakunswelo sa mga magulang ko. Kaya ginagawa kong 85 lahat at mini-maintain ko iyon. Hindi ko nga alam kung paano pero halos lahat ng grade ko 85 talaga at hindi bumababa roon.

Hindi rin ako nagbubulakbol kasi bahay at eskuwelahan lang naman ang routine ko. Kahit pinapayagan ako nila mama na lumabas, kasi ayaw nilang nagmumukmok ako sa bahay, ayaw ko pa rin. Tinatamad kasi talaga ako. Hindi ko nga alam kung bakit pero mukhang ipinaglihi ako sa katamaran. Sinisipag lang ako kapag kakain at matutulog.

"Sige, sino makakapagbigay sa akin ng five types of dating?" tanong ni Sir Peter.

Lesson namin ngayon sa T.L.E yung tungkol sa dating kaya buhay na buhay yung mga kaklase kong may masasagana at masasayang lovelife. Samantalang ako naman ay bagot na bagot at inaantok. Hindi ako maka-relate sa kanila. Para silang gumagamit ng alien language at hindi ko maintindihan.

"Yes, Ms. Dela Rosa."

Kapag minamalas ka nga naman at inaantok. Halatang-halata ba sa pagmumukha ko ang kaantukan at katamaran kaya ako talaga ang tinawag ni Sir Peter? Tumayo na ako para sumagot. Sana lang tama.

"Initial Date, Friendly Date, Blind Date, Group Date, then.." Naku! Nakalimutan ko yung isa, wala pa naman si Louis na laging bumubulong ng sagot sa likod ko at syempre alam ko namang milagro na lang kapag ginawa ni Kian iyon. "Sir I forgot the other one. Sorry."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay yumuko ako dahil sa kahihiyan. Ang hirap kasi mapuwesto malapit sa harap ng teacher. Lahat ng galaw mo kapansin-pansin. Pero okay na rin iyon at least hindi nakikita ng karamihan yung mukha ko. Baka malusaw na ako nun.

"Sino gustong tumulong kay Ms. Dela Rosa?" tanong ni Sir.

Napansin kong nagtaas ng kamay si Mr. C at tinawag naman siya ni Sir Peter. Pagkatayo niya ay pinaupo naman na ako ni Mr. C. Tsk, kung alam niya yung sagot, sana tinulungan niya na lang ako. Bida-bida. Bahala siya, hindi ko siya tutulungan kapag siya nalagay sa bingit ng kahihiyan.

"Sir, Special Date po," sabi niya habang nag-uumapaw ang confidence niya.

"Very good Mr. Lee, but I have a follow-up question for you," sabi ni Sir Peter.

"Nagkaroon ka na ba ng Special Date?" Base sa ekspresyon ni Mr. C, halatang nagulat siya nang itanong sa kanya iyon. Natahimik siya at ilang saglit ng katahimikan ang lumipas bago siya sumagot na halatang pinag-isipan talaga.

Mr. and Ms. C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon