Chapter 1 (First Meeting)

108K 726 244
  • Dedicated kay To all the Caregivers
                                    

Chapter 1

Please play the music on the right screen. Thanks.

"Kuya, pakibilisan naman! Baka maiwan na ako ng eroplano," himutok ni Celine Fontanilla. Paalis siya ng Pilipinas para magtrabaho sa New York bilang caregiver. Graduate siya ng cum laude sa business management pero ang sahod na kinikita niya sa dating kumpanyang pinagtratrabahuan ay kulang pa sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay. Gusto niyang makatulong sa ina at kuya niya na malaki na ang sinakripisyo para makatapos siya ng pag-aaral.

"Wala ng ibibilis pa itong owner jeep ko," kalmadong sabi ng Kuya Jake niya.

"Kung bakit kasi ayaw mong pumayag doon sa pinahihiram na kotse ni Patrick, Kuya. Nagmamagandang loob lang naman iyong tao," nakasimangot niyang sabi.

"Mahirap na magkautang ng loob sa lalaking iyon," matigas na sabi ni Jake. Hindi kursunada ng kuya niya ang boyfriend niyang si Patrick sa simula pa lang. Tatlong buwan na mula nang sinagot niya ito. Third year college pa lang siya nang mag-umpisa itong mangligaw sa kanya. Hindi nga lang niya agad ito sinagot dahil ayaw niyang maistorbo ng lovelife niya ang pag-aaral niya.

"Bakit kasi ayaw mo kay Patrick? Mabait naman siya at may maayos na trabaho."

"Paano naman akong matutuwa sa boyfriend mo eh saksakan ng yabang at balita ko maraming pinopormahan," naiinis na wika ni Jake.

"Hindi totoo iyan, Kuya," depensa niya sa nobyo. Hindi siya naihatid ng boyfriend sa airport dahil may out of town meeting ito with a client. Sa insurance company nagtratrabaho si Patrick.

"Ah basta! Mabuti na lang at aalis ka na, baka sakaling may makilala ka doon sa New York na totoong mabait at talagang mamahalin ka. Celine, you deserve somebody special hindi ang katulad ni Patrick."

"Kuya, I think you need to give Patrick a chance."

"Celine, alam mo naman na mahal na mahal ka namin ni Nanay. Gusto lang namin na maging maayos ang lagay mo sa buhay. Maganda ka, matalino at mabait siguradong marami pang lalaki diyan ang deserving para sa iyo."

Hindi na kumibo si Celine. Alam niyang hindi magbabago ang isip ng kuya niya pagdating kay Patrick. Kahit na ang pinsan niyang si Isabel na pinaka-close niya ay hindi rin magiliw sa boyfriend niya. Ang nanay niyang si Martha ay tahimik lang pagdating kay Patrick. Ang tanging pangaral lang nito sa kanya ay kilalaning maige si Patrick bago isipin ang pagpapakasal.

"Kuya, mukhang hindi na yata ako aabot sa biyahe. Pupugak-pugak na itong owner mo," nag-aalalang puna ni Celine.

"Kaya iyan! Cool ka lang diyan. Kahit na ganito itong jeep ko hindi pa ako binigo nito," nakangiting sabi ng kuya niya.

"Bayaan mo, Kuya pagnakaipon na ako doon sa New York ay padadalhan kita ng pera para makabili ka ng bagong sasakyan," pangako ni Celine.

"Naku huwag mong isipin iyon. Magtrabaho ka para makaipon ka para sa sarili mo, Celine."

"Pero Kuya Jake, gusto ko naman makaganti kahit papaano sa kabutihang ginawa ninyo ni Nanay," tanggi niya.

"Ang importante ay napagtapos ka namin ni Nanay," tahimik nitong sabi.

"Kuya, napakapalad ko at ikaw ang naging kapatid ko. Ikaw na ang tumayong parang ama ko mula ng iniwan tayo ni tatay at sumama sa ibang babae. Salamat, Kuya Jake."

"Huwag ka ngang mag-emote diyan at baka maiyak ako," biro nito. Pilit nitong pinasaya ang boses pero nakita ni Celine na may sumungaw na luha sa gilid ng mata nito.

Malalim ang nasa isip ni Liam Ventura habang binabagtas nila ng driver niyang si Mang Anton ang kahabaan ng EDSA lulan ng Merces Benz S550 sedan papuntang NAIA airport.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon