Prologue

448K 7.5K 404
                                    

Seducing The Bad Boy

By: Ace DomingoSEDUCING THE BAD BOY

"Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang." Napanganga ako sa sinabi nito. Tuloy tuloy iyon at punong puno ng panlalait.


"Tan tan--"

"Tigil mo na ang pagsunod sa akin Toryang. Kung hindi, makakatikim ka talaga. Nakakairita na kasi eh." Sabi pa nito habang kinakalabit ang gitara niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo sa bawat salita niya.

"Tan.." napahikbi na ako. Nakita ko siyang huminga ng malalim bago inayos ang salamin ko sa mata.

"Toryang, bestfriend kita. Pero hanggang doon lang yun. Alam mo namang wala akong balak selyuhan agad ang sarili ko. Sa gwapo kong ito, may mahahanap pa akong babae na higit sayo." He said sweetly, pero parang kutsilyo ang pagtarak ng mga ito sa dibdib ko.

Mahal ko si Stan. Noon pa man siya na. Pero ayaw niya sa akin dahil baduy ako. At naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala ako na makakaya niya akong tanggapin. Ganoon naman kasi diba? Kapag mahal ka, tatanggapin ka kahit na ano ka. Pero mali pala ako.

"Toryang, gutom na ako. Uwi na tayo." Hinila niya ang kamay ko at pinatayo ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kamay naming dalawa. I tried memorizing the feeling of his hand intertwined with mine, dahil alam ko, ito na ang huling pagkakataon na hahawakan ako ni Tan Tan sa kamay.

Masakit man, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako magugustuhan dahil kabaligtaran niya ako sa lahat ng bagay.

At kailangan kong magbago para mahalin niya. Hindi na pwedeng manatili si Toryang.

*pen<3

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon