Si Nelya at ang Kanyang Kapalaran (Pang-Sampu)

5.1K 191 62
                                    

“Anong sinasabi mo, Andrew?” Hindi ko mawari ang mga katagang sinabi niya.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko.

“Des…ahm…wala.” Mabilis niyang dinampi ang kanyang labi sa akin matapos ay nagmadaling tumayo sa kama.

“Ano raw, Andrew? May sasabihin ka! Bakit hindi mo ipagpapatuloy?” Naguluhan ako. Anong sasabihin niya dapat?

“Wala akong sasabihin.” Lumapit na siya akin ulit habang dala-dala ang kanyang Mac laptop. “Ito, gusto ko ‘tong ipakita sa iyo.”

Inayos niya sa kama ang kanyang laptop at naupo sa tabi ko. Tumingin ako sa screen ng laptop niya at doon ay may nakita akong images ng mga lumang papel na tila may…nakasulat. Sulat?

 

 

“Ito iyong laman ng drawer?” hindi ko makapaniwalangg tanong sa kanya. Hindi ko aakalain na ipapakita ito sa akin ni Andrew.

Tumango siya at kinindatan pa ako.

“Read this,” sabi niya malapit sa may tenga ko at tila nakiliti naman ako sa ginawa niya.

 

 

 

Mahal kong Cecilia,

 

Happiest Birthday to you! Alam kong maaring magalit ka sa paggamit ko ng aming salita ngunit hayaan mo na akong batiin ka sa pagbati na iyon sapagkat iyo'y galing sa aking puso. Ilang buwan na kitang hindi nasisilayan at sana ang mumunting correo na ito ay makarating sa iyo. Parati akong naghihintay sa tagpuan natin sa lilim ng Madre Cacao, malimit ay nagbabasa ng mga correo mong kayamanan ko ng matuturing ngunit hindi pa rin nito mapapawi ang aking pangungulila sa iyo.

 

Gusto kitang dalawin sa residencia niyo ngunit iyon ay kung mayroon bendicion galing sa iyo. Sana ay tugunan mo ang sulat kong ito. Ipapadala kong muli ito sa iyong malapit na kaibigan na si Laura at umaasang sa muling pagkikita namin ay magkaroon ako ng tugon galing sa iyo.

 

I miss you! Pagpaumanhin mo ulit ang paggamit ko ng aming wika sadyang iyon lang talaga ang laman ng aking isipan.

 

Naghihintay sa iyo,

 

C. A.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon