Unreasonable (One-shot)

132 5 6
                                    

Pag nagmahal ka ba kailan talagang may rason? hindi ba pwedeng wala? mahal mo kasi mahal mo hindi dahil mahal mo kasi ganito sya, ganun sya. Kaya nga Love needs no reason kasi hindi mo alam, bigla-bigla ka nalang matatamaan, sa isang lugar na hindi inaasahan, sa oras na hindi mo alam, sa taong hindi mo ganon ka kilala o baka sa taong matagal mo nang kakilala.

“Date. Date. Daaaaaaaaaate. May date kame ngayooon!” Pakanta kanta pa si Ysa sa harap ng mga kaibigan nya.

“Oo na! Oo na! Ikaw na ang may date ngayon, pwede tumigil ka na?” Naiirita na talaga si Cris.

“Oh, Naiingit na kayo? Ay, Sorry ha! Sweet naming ng boyfriend ko, Ano?” kinikilig na saad nya.

“Hindi. Naiirita kami. grabe peg mo beh ha.” Sagot ni Nikka.

“Hmm, Yss, ngayon lang kayo magdadate ulit diba? After ng ilang... months ba?” Tanong ni Fat. napatawa tuloy si Amina.

“Potek! Busy kasi sya! Doctor na sya ngayon! Heeeeesh!”

“Oh, Yeah right.”

6PM~~♥

At the restaurant.

Matagal-tagal na ring nagaantay si Ysa kay Daniel, okay lang magaantay ako, doctor yun eh, baka busy. Saisip nya. Maya-maya dumating na si Daniel. Isang tanong agad ang ibinungad ni Ysa sa kanya.

“Daniel, mahal mo ba talaga ako?”

“Oo naman. Hindi nililigawan ng isang lalake ang isang babae kung hindi nya ito mahal, hindi nya kukunin ang isang prinsesa sa Hari  kung hindi nya ito iniibig ng tunay.” Tapos ngumiti si Daniel sa kanya.

“Bakit? Bakit mo ako minahal? Bakit ako ang napili mo?”

“No particular reason.” 

“Give me a reason!” She demanded, hindi nya nagustuhan ang sagot ni Daniel eh, kulang, wala syang mahagilap. Noon pa man, hindi nya na talaga alam kung bakit sya ang niligawan ni Daniel, si Cris naman talaga ang puntirya nito dati eh, lumalapit ito sa barkada dahil kay Cris, pero sila ang nagkatuluyan.

“Hindi ko alam, baka siguro dahil maganda ka.”

“Tapos?” Maganda ako? Ngayon nya lang to sinabi.

“Maalaga ka.” Ngumiti pa si Daniel sa kanya.

“Tapossss?”

“Ang hilig mo sa compliments, Muy.”

“Taposssss? Sagutin mo ako.”

“Thoughtful ka at sobrang attractive.... Satisfied now, Ysa?”

“Yep. Kind of. Thanks.”

TWO MONTHS LATER~~

                Nagkasakit si Ysa.  Naging sobrang payat na sya, pale, very weak parang pag natuba sya, mababasag sya.. nandoon yung mga kaibigan nya, andun din si Daniel.

Hindi makatulog si Daniel ng mabuti, everynight. Hindi din sya makakain ng mabuti, pag off duty sya dumidiretso sya sa room ni Ysa.

“Mahal mo parin ba ako?” Umiyak na si Ysa, aware sya sa kalagayan at itsura nya.

“Now that you’re not pretty?”

“Huh?” Nabigla sya sa isinagot ni Daniel.

“Now that you’re not attractive?”

“Da-Da—Daniel.”

“May mga rason pa ba na mahalin kita?”

Ysa cried her heart out, Umiyak sya ng umiyak, palakas ng palakas, parang nawawasak yung mundo nya, parang ikakamatay nya na, pero hinawakan ni Daniel ang kanyang mga kamay tapos nagsalita..

“Ngayon, Ysa Padilla naiintindihan mo na ba?” umupo sa hospital bed si Daniel, sa tabi nya.

“Love is not about reasons, mahal na mahal kita at mamahalin kita hanggang sa magpakailanman. Kahit anong mangyari, how you look like or anything. Ikaw ang mundo ko. You are my star. Minahal kita kasi mahal kita hindi ko alam bakit o papaano pero mahal kita, okay na ha? So, Marry me, Ysabelle.. Marry me, Please.” Tumayo si Daniel at Lumuhod.

“Please Ysa, Marry me.”

THE END.~☆彡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unreasonable (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon