22 -

2.3K 60 4
                                    

--------------------------

Baguio City
8:21 pm

Sa gate ay bumungad agad kay Maricor ang iba't-ibang uri ng costume mula sa mga anime at fairy tales. Iyon ang gabi ng selebrasyon ng J.A Twin Towers. Naging advance ito sa inaasahang petsa ng selebrasyon. Siya ang nag-organisa ng party kaya hiling niya ay maging maganda ang takbo nito at maging successful. Sa loob ay pumapailanlang ang musikang pansayaw.

"Good evening.." Nakangiting bati sa kanya ng lalaking naka-spiderman costume na nakatayo malapit sa may gate.

''Sawadee ka.'' Nginitian niya ang lalaki. Naisip niya na malaki talaga ang chansa na hindi mo makilala ang iba o hindi magkakilalanan dahil sa costume. Ayun nga sa napagkasunduan o sa ideya niyang iyon, costume-costume ang tema ng party.

"How do I, get through the night without you? If I had to live without you..What kind of life would that be?'' pagkanta ng lalaking nakasalubong niya. Si Gokou naman ang ginagaya nito. Ang taray ni Gokou, may pagkanta, emotional. Ang effort! Sa isip niya lang.

Si Snow white ang napili niyang gayahin para ganda niya parin ang mangibabaw.
Sa isang lamesa ay napansin niyang nagtatawanan ang dalawang babae. Sila Darna at Wonder woman. Pumasok agad sa isip niya ang katanungang hindi ba giniginaw ang dalawang iyon gayong ang mga suot ng mga ito'y makaluwa mata. Idagdag pa na ang venue ng party ay isang malamig na lugar, sa Baguio. Tiis ganda ang mga gaga! Maiahon lang ang kalandian. Bulong ni Maricor sa sarili.

Nasaan kaya ang boss kong magaling? Ginala niya ang paningin. Bukod sa mga anime at fairy tales ay marami ding kumuha ng konsepto sa mga movies lalo na ang mga horror characters. Doon malapit sa may fountain ay may napuna siya na naging dahilan ng paglaki ng kanyang mga mata. Isang lalaking merong malaking pakpak, may kalayuan man ay kita niya parin ang nakakatakot na anyo nito. Hindi siya pweding magkamali, isa iyong Taong Paniki!

 ~ Baby, I am missing you
I want you by my side
And I hope you'll miss me too
Come back and stay
I think about you every day
I really want you too
You swept my feet right off the ground, you're the love I found

Doctor Jones, Jones, Calling Doctor Jones
Doctor Jones, Doctor Jones, Get up now (Wake up now) ~

Huminto ang sikat na awitin ng Aqua na Doctor Jones na kanina'y pumapailanlang, 90's ang tugtugan simula kanina pero ngayon ang kumakanta na ay ang rakistang banda sa stage. Nawala ang atensyon niya sa taong paniki nang maramdaman niyang may kumalabit sa kanyang balikat.

"Ganda mo diyan, Snow white! Isang kagat nga ng mansanas diyan!" agad na bulalas ni Laila pagkabaling niya sa likuran. Nang muli siyang tumingin sa may bandang fountain ay nakita niyang wala na doon ang taong paniki. Para sa kanya ay hindi iyon basta costume lang. Totoong-totoo ito.

"Eksena mo diyan?" aniya nang humarap kay Laila.

"Akala ko ba si Majimboo ang gagayahin mo? Ako, ang naisip ko ay mag-diwata na lang."

"Tse! Yung sayo, diwata na 'yan? Para kang nakasuot ng hospital gown na nilagyan lang ng design at ibang style." biro niya sa kaibigan.

"Pasmado talaga 'yang bunganga mo. Kung hindi lang sa Baguio ang venue, magsu-swimsuit talaga ako! Bra't panty lang tapos pakpak. O diba? Plangap! Diwata na."

"Check mo si Darna at Wonder woman, talaga namang mapapamura ka." turo niya sa dalawang babae sa lamesang malapit lang sa kanila.

"Oo nga, mga walang'ya! Balahura! Tiis ganda sa lamig! Meron nga akong nakita, si Winnie the pooh daw siya. Pinanlandakan ang taba sa costume niya at apaka laki ng brief." singhal ni Laila. Natawa siya. Naghagilap sila ng pwesto na maaaring upuan. Sa paglalakad ay may lumapit sa kanya.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon