Chapter 55

405K 8.3K 2K
                                    

Chapter 55

Sitti's P.O.V

[Sitti Sandoval — feeling great]

Nakangiti kong clinick yung post para ishare ang status ko sa Facebook.

Bakit ako masaya? Wala lang. Kasi naayos na lahat ng conflict sa buhay ko ngayon.

Friends na kami ni Margaret, nanahimik na yung mga fan girls ni Kaizer at balik Facebook na ulit ang buhay ko ngayon.

Ilang araw na din akong hindi nakakapagbukas ng Facebook ko magmula nang umuwi ako galing retreat house kaya medyo naninibago ako ngayong nakapagpost na ako ng status ko. Mukha ngang inaagiw na yung Facebook ko sa tagal ng last post ko eh!

Tahimik lang ang buhay ko noon. Gaya nito! Facebook-Facebook na lang! Naging magulo na ang lahat magmula na ma-wrong tag ko ang pangalan ng sikat na lalaki sa school namin. Dumami yung issue sa buhay ko. Nandyan yung tungkol kay Kaizer, si Margaret, yung mga fan girls ni Kaizer at iba pa!

Alam nyo yun? Wala na nga akong social life inalisan pa nila ako ng karapatan mag-Facebook nitong nakaraan?! Nakakainis di ba?!

Dagdag mo pa yung mga paper works sa school.

Ito ang nakakainis minsan after ng tour eh! Tatambakan ka ng mga assignments at research ng mga Professors! Tsk! Hashtag fieldtrip problems!

Napabalik ko yung lumilipad kong utak sa harap ng monitor ng computer ko nang maglabas iyon ng popping sound. May natanggap akong bagong notification.

[Kaizer Buenavista liked your post.]

Nanlaki yung mata ko nang makita ko na ni-like ni Kaizer yung post ko.

Hindi si Kaizer na Kaizer ah? Kundi si Kaizer na fictional character. Yung kapartner ko sa story na ino-OP ko? OP means operator nga pala para sa mga hindi pa nakakaalam.

Mabilis kong hinanap yung pangalan nya sa mga online friends ko at clinick ang name nya nang makita ko sabay type ng message ko sa chatbox.

[Kumusta ka na? Pasensya na pala hindi ako nakapagpaalam noong nakaraan na aalis kami. Hindi tuloy kita na-inform. May mga na-miss ba ako?]

Nakita ko sa chatbox nya na nagtatype sya ng irereply sa akin. At ilang sandali pa nga ay nakapagreply na sya sa akin.

[Maliban sa mga bagong updates sa story, sa tingin ko naman wala na.]

Magrereply pa lang sana ako ng pasasalamat nang bigla na naman syang nagmessage sa akin.

[Pero ako may na-miss...]

Napakunot-noo ako sa sinend nya sa akin saka nagsimula na namang magreply sa kanya.

[Huh? Anong na-miss mo? Umalis ka din ba? Hala! Lagot tayo kay author nito! Nagiging pabaya na tayo sa pag-o-OP natin! Siguro dapat magsorry tayo kay Ate mamaya. Online ba sya ngayon?]

Medyo natagalan yung pagrereply sa akin ng OP ni Kaizer FC.

[Haha! Hindi naman magagalit si Ate. Maiintindihan ka noon! Saka hindi naman ano yung na-miss ko eh kundi sino...]

[Huh? Di kita naiintindihan. Sino bang na-miss mo?]

[Ikaw.]

Nabitin sa ere yung mga daliri ko sa tapat ng keyboard ng PC ko habang titig na titig ako doon sa last na message nya sa akin.

Ako? Na-miss ako ng OP ni Kaizer?

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon