11. THERE GOES OUR FOREVER.
Wala ng silbi ang pagtatago. Nakita ko na sila, nakita na rin nila ‘ko. Bakit ako magtatago? Kung pwede namang komprontahin ko na lang.
Dahil kanino ba kaya ako nagbago? Dahil kanino kung bakit nagpursigi akong umangat lalo ang buhay ko?
Dahil sa taong kaharap ko.
Ang sakit lang nung ako na nga ‘yung nawalan ng asawa’t mahal, ako pa ‘yung pinagkaitan. Oo. Inaamin ko, sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari kay Troy. Kasalanan ko. Kung hindi ko siya tinawagan, malamang na nakaalis siya ng bansa ng ligtas. Pero pinigilan ko siya. Kasi mahal ko, eh. Hindi ko kayang mawala. Pero ang sama lang kasi… hindi lang naman siya ang nawalan! Ako! Ako rin! Lalong lalo ako! Oo nga’t ama siya, pero asawa ako! May karapatan ako!
Ang sakit lang na hindi ko man lang nahatid sa huling hantungan si Troy.
Tapos ngayong nagkita na naman kami, parang anumang segundo may lalabas na bodyguards at ipagtatabuyan na naman ako.
Bakit? Kasi nahuli ko sila? Sila… ni L?!
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” Mariin at ma-awtoridad na tanong niya agad.
Kusa na lang tumaas ang isang gilid ng mga labi ko.
“Hello to you too, dearest father-in-law”, I smirked as I said the words. Awful.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni L sa’kin at sa matandang katabi niya. Sorry Troy, pero hindi ko kayang igalang ang daddy mo.
“Am I missing something here?” Maang na tanong ni L.
Lumipat ang tingin ko sa kanya. “Who are you, really?” Tinatagan ko pa ang sarili ko kahit parang maiiyak na naman ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang iisipin ko sa mga pangyayari sa buhay ko. Kasi kung umaarte lang siya, the best siya.
Isang maang na tingin ang binigay niya sa’kin. “Aren’t we done about me?” Pero sa kabila ng pagiging “kalmado” niya, nakikita ko ang nerbyos sa mga mata niya.
One thing out of everything I love about Troy? His eyes. Because they can’t lie. And everytime I look at L’s, I feel like looking at my love, Troy.
“Then why are you with him? Kung hindi ikaw si Troy, bakit kasama mo ang ama niya?”
I saw him gulped. Binibigyan ko lang ba ng meaning ang lahat? O may ibig sabihin talaga ang lahat?
“Let’s talk, young lady.”
*
Sobrang nanlulumo ako nang makauwi ako. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakapag-drive pauwi, eh. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero siguro kailangan na…
Pagbukas ko ng pinto ng bahay ko, nalanghap ko agad ang amoy ng namiss kong pagkain—carbonara. Si Angelo… nandito na naman siya. Hindi niya talaga ‘ko matitiis. Siya lang naman ang nagluluto ng carbonara para sa’kin, eh.
Tumuloy ako sa kitchen ko at tama nga ako, nakikita ko siyang may hinahalo sa kawali habang may idinial siya sa phone niya. Hindi niya pa rin nararamdaman ang presensya ko.
“Third! Ano? Hindi ba bumalik dyan? Wala pa rin hanggang ngayon, eh!—Gagu neto! Di kasi tinanong kung sa’n pupunta!—Eh nagtatampo pa ko kunwari, eh!—Tss! Oo na! Five minutes pa, hahanapin ko na siya!”
Malungkot na napangiti ako sa narinig ko. Bakit ba ang tyaga ni Angelo sa’kin? Oo, alam kong may gusto siya sa’kin. Pero kahit kalian, hindi niya ginamit ang panahong magkasama kami para lang mapansin ko ang pagtingin niya. Hindi niya sinamantala. Basta nandyan lang siya… hindi ako iniwan.
Unti-unti akong lumapit sa likuran niya. Ang engot niya rin, hindi niya maramdaman na nandito na ang hinahanap niya at patuloy pa siya sa pangungulit kay Keslo? Ang engot!
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Kathryn Bernardo | as Arianna |
| Kim Jun Myeon (Exo K - Suho) | as Tim Angelo |
| Kevin Wu (Exo M - Kris) | as Krystanlord |
| (Kimpoy) Paolo Feliciano | as Kesley |