[51] Graduation day. And a special trip?

316K 4.1K 670
                                    

Chapter 51

Chanel's POV

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSSSSSSS!!!"

"CASSANDRA! BAKIT?!"

"Yung phone mo ring ng ring! Nastrestress ako!"

"Ako din! Ohmygosh! Late na tayo! Dalian mo, ayusin mo na mga gamit!"

"Oo nga! Teka tatawagin ko na din si Mang Sid-- YUNG PHONE MO!"

"Oo! Ito na!!" kinuha ko yung phone ko at sinagot ito.

"Hello?"

"HOY! NASAAN KA NA?! ANO BA?! MAGSISIMULA NA!"


"Seryoso?!"


"HINDI! JOKE LANG ITO! SIGE MAGPAKAPAGONG KA PA DIYAN!"

"Naman eh!"

"Bilisan mo kasi!"

"Bakit ka ba nagmamadali? Madami pa namang speech speech diyan!"

"Yun na nga eh! BILISAN MO!"

"Oo na po sige Bye."

"OO NA!" sabi niya. Galit.

"LOVE YOU!"


"Love you too."

Kinilig naman ako doon, bigla kasing naging malambing ang boses niya.

Dalawang taon na ang nakalipas, andito kami ngayon sa bahay ko, nagmamadali kasi graduation ko na ngayon. Sa wakas!

At yung tumawag? Obvious ba? Sino pa ba yun.

Si Kean Patrick Tolentino Padua lang naman.

"Bes! Tara na!"

"Coming!" lumabas ako ng bahay, sinabi ko kay Manang Rosa na bantayan ang bahay.

Si Manang Rosa, naalala niyo pa ba? Yung maid ni Yohann? Siya rin yung kapitbahay namin dati ni Kean na nabanggit sa unang libro ng storyang ito. Biruin niyong, hindi ko siya naalala? Miski namukhaan?

"Mang Sid, school po. Pakibilisan!"

"Opo Ma'am." sabi ni Mang Sid.

Naupo ako katabi ni Cassandra. Nalate kami kasi ang tagal noong nagmamake-up, tapos hindi pala dadating kaya si Cass na ang nagmake-up.

"Haay naku, ayan, haggard ka na. Ayusin natin make-up mo girl!"

"Salamat Cass."

"Ito naman."

"Sa halos dalawang taon, hindi mo ako iniwan. Kahit na hindi kita pinahalagahan dati noong naging Elle--"

"AY NAKU! Tama na yang drama!Ngayon pa ba tayo mag-iiyakan? Gragraduate ka lang! Hindi pa ikakasal okay?"

"Sira ka!"

Inayos lang ni Cassandra yung make-up ko na kumayat dahil sa pawis, si Mang Sid naman tinodo na ang aircon! Ang init kaya! After 15 minutes nakarating kami sa school. Paglabas namin..

"CASS! Nagmamarch na sila!"

"ANO?! Saan ba ang pwesto mo?"

"Di ko alam kung nasaan na! Chua ako!"

"Halaaa. Paano na yan?"

"Di ko alam! CASS! Saan ako sisiksik--"

Maya maya may humila na lang sa akin. 

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon