Isa na namang love story.

135 5 4
                                    

Humans crave closure. There's an inherent desire for it-all the stories we never learn the endings to, the movies we never finish, the seasons of TV shows that leave us with more questions than answers so we turn to blogs and the internet to vent our frustration. We need closure in order to shelve things in our head and move on. And if not-when they suddenly become invisible or a dream no one knew about or suddenly spring a new significant other on social media-what do you do?

-----------------------------------------

Oo, love story 'to. Hindi ko sasabihin sayo na iba 'to, dahil katulad ng ibang love story, may magmamahal, masasaktan, iiyak, at magmamahal muli dito. Pero anong kinaiba ko sa ibang istorya? Siguro yung salitang iikutan nito-aktibismo. Kaakibat ng love story na 'to ay ang prinsipyo ng dalawang taong nagmamartsa sa gitna ng init ng Mendiola, nagpapaulan sa Ayala, at naguubos ng lakas, oras at boses para sa mga mamamayan na mulat, "neutral", walang pakialam, at ang puro reklamo tungo sa mga "reklamador".

Siguro napagod na rin ako sa kakabasa ng mga artikulong kapag tugkol sa mga tibak (aktibista) ay tila bang nangsesermon lang. Dalawa yan eh: yung isa, pinapasali ka o hinihikayat kang maging mulat; yung kabila naman, nagsasabing walang patutunguhan ang ginagawa ng mga tibak kung kaya't di sila dapat tuwaran.

O baka naman nagkukulang na ako sa mga artikulong tungkol sa kanila. Puro na lang online love story, rich meets poor love story, gwapo meets panget love story, katulong meets amo/the one love story, LDR love story, may sakit ako kaya di tayo pwede love story, sirena o alien ako love story, kabit ka lang love story, jeepney love story, text message love story, at ang hindi matapos tapos na gangster love story. Alam ko naman kasi the world is full of love chorvabells pero hindi naman kasi dapat bawat bagay o tao na makita mo ay ipapartner mo na. Yung totoo kasi, may balita na ba sa ABS o GMA na naghalikan ang palaka at tao?

Pwede rin namang impluwensiya lang ng unibersidad ko at ang nagkalat na pampunas ng pwet na speech ni Revilla kung kaya naman gusto kong magpasikat at magtunog matalino kaya nagsusulat ako ng ganito.

O kaya naman, katulad ng bawat teenager ay gusto ko lang magsulat ng love story na nangyari sa'kin.

Tatlong taon na rin ang lumipas. 16 year old ako noon, pero di tulad ng iniisip niyo, may prinsipyo na ako na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko. Kahit ganun kabata, may malinaw na akong ideya tungkol sa pag-ibig-isang salita na pinaglalaruan lang ng mga ka-edaran ko. Ngayon, bakit ko 'to sinusulat? Gusto ko lang ba magpakateenager at hayskul dahil malapit na rin ako mag20? First love ko ba 'to? Siguro first love ko nga, pero parang mas naaayon ang salitang almost.

May 2014. Baguio City. 5:00 PM

Nagkakilala kami sa isang ED o educational discussion. Bale kami 'tong mga bibo kids dahil na rin siguro puro kami cultural performers. Habang sila naman yung mga minsan-minsan lang sumagot pero may laman naman talaga, galing sila sa iba't ibang mass organizations at publications.

Kung tama nga ang pagkakaalala ko, isang coffee break yun, bandang 5 ng hapon nang lapitan niya ako.

"Ella diba?" tumango lang ako. Medyo awkward ako sa lalake nun, oo, ironic dahil nga nagpeperform ako at kasama na dun ang marami-raming physical contact sa mga lalake. "Nagkape ka na?"

"Mm-hm. Ikaw?" napatingin ako sa hawak hawak niyang mug at sabay na lang kaming napatawa.

"Hindi pa e"

Siguro dahil malandi ako o may itsura lang talaga siya. O kaya naman sa galing niyang maggitara tuwing break o ang pagiging awkward niya ‘pag nagpeperform. Hindi ko alam kung papaano pero naging crush ko siya. Simple lang naman ako magkacrush na tipong nadaanan ko lang sa kahabaan ng session, pwede ko na maging crush kaya hindi naman ako nag-alala.

Isa na namang love story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon