Wizard's Tale 1: Chapter 36

157K 3.9K 423
                                    


(Alyanna POV)


Alam na namin ngayon kung paano masisiguro kung si Elysse nga ang nawawalang Lux Princess. Pagbalik namin sa mansyon ni Brylle, nag-plano na kami para doon.

Tungkol dun party na nakita ko sa pangitain, mukhang yun ang Spring Gala ng mga Fabel kung saan invited din kami ni Brylle

Sa school, I confirmed Elysse na pumayag na si Brylle na aattend kami sa party nila kaya laking tuwa ng babaita at nag-skip ng next class namin para personal lang na pasalamatan si Brylle.

Hindi po ako nagseselos ha!

Ngayon, nakaupo na lang ako sa may bench dito sa labas ng building namin kasi presko sa pakiramdam. Hinihintay ko rin ang pagbabalik ni Elysse mula sa paglalandi niya kay Brylle.

At inuulit ko lang, hindi po ako nagseselos!

"Hey!"

"Ay lechong Peryton!" May tumusok kasi sa bewang ko, eh malakas ang kiliti ko dun! Paglingon ko, "Prince Dustin! Ikaw pala!"

"Anong Peryton?"

Yun ang mga isinumpa kong nilalang dun sa Otherworld. Ang hinayupak na parrot-deer hybrid na dahilan ng pagsusuka ko ng dalawang beses! "Ahh, pangalan lang yun ng—parrot?"

"Parrot? Eh bakit lechong Peryton?"

"Um, mahilig kasing kumain ng lechon yung parrot na yun."

"Talaga!" Ang pogi niya talaga! Ang dali lang utuin!

Pero hindi na umi-epek ang kagwapuhan niya. Siguro kasi nalaman kong hindi pala talaga ako in love sa kanya. At hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol dun.

"Can I sit here with you?"

"Sure, tabi tayo." Magkatabi na kami ngayon but I sensed awkwardness.

"So, okay ka na ba? Hindi ka na naman nakapasok kahapon. May sakit ka ba kaya minsan bigla ka na lang nawawala?"

"Wala naman! Nagkataon lang na may mahalaga akong pinuntahan kahapon."

"Kasama si Brylle? Kasi wala din siya kahapon."

"Oo, kasama yung amo ko."

Naisip ko bigla ang nangyari saamin nung inatake kami ni Clerion nung isang araw. Hindi na nila maalala ni Elysse ang tungkol dun dahil binura na nga ito ni Brylle.

"Alyanna, nasabi rin saakin ni Elysse, totoo bang makakapunta na kayo ni Brylle sa Spring Gala?"

"Oo."

"So, will you be my date then?" Hindi ako nakasagot agad sa pag-aya niya saakin. "That night, makakarating din ang parents ko. And I'm planning na dun sa party na kita ipapakilala sa kanila. It's okay with you, right?"

Matagal lang akong nakatitig sa kanya. His face is bright and happy that it makes it more difficult for me to tell him the truth.

"Alyanna, you'll be my date, right?"

Pero ayokong magsinungaling sa kanya at lalong-lalo na sa sarili ko. Kapag pinatagal ko pa, baka mas lalo lang kaming masaktan. At yun ang iniiwasan kong mangyari. So here it goes...

"Prince Dustin, alam mo na may gusto ako sayo ever since high school, di ba?" Biglang na-confuse ang mukha niya sa sudden change of topic ko. "Sa totoo lang, palagi akong nananaginip ng gising na kasama at kausap kita tulad ng ganito. At nung time na nalaman ko na pareho pala tayo ng nararamdaman sa isa't isa, sobrang saya ko. It's fairytale dream come true."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon