The PAPER

48.4K 1.8K 1.1K
                                    

   Isa lamang akong ordinaryong studyante na kagaya nyo nag-aaral, namumuhay ng payak at syempre nagkakaroon ng crush.

  Matagal ko ng crush si Rei simula pa ata nung grade school hanggang ngayong fourth year na ako.Sa sobrang paghanga ko sa kanya lahat ng likod ng notebook ko may pangalan nya, ung bang iba't-ibang font pa.TApos  pag boring ung klase magpe-flames ako gamit ung name nya at ung name ko samahan pa ng HOPE xD....

  HIndi ako umaasa na mapapansin nya din ako.Sino ba nman ako?? isang studyanteng tatanga tanga.Minsan nakita nya akong nakatingin sa kanya at dahil sa hindi ko kinayang makipagtitigan kaya umiwas ako kaya lng pag-iwas ko ayun nabuhusan ako nung babae ng juice.Narinig ko na lng na napatawa si Rei.Grabe hindi ko kinaya ang kahihiyan ko kaya ayun tumakbo ako kung saan ang takbuhan ng kababaihan sa CR.

      Minsan iniisip kong kalimutan na lng siya pero sa tuwing susubukan kong kalimutan sya laging siya ung nakikita ko.Ung feeling na 6 years na kayong magkaklase tapos lagi kang iniisnob.Isa pa ung sa lahat ng magkaklase ikaw lng ung ndi nya kinakausap.Isa pa nman sya sa pinakamaingay sa klase.Ang ndi ko alam na dahil sa kaingayn nya kaya sya napalapit sa kin.

   Pinalipat sya sa tabi ko kase alam nilang di niya ako kayang ingayin.

"Okay class get one fourth sheet of paper"

"Potek may test na nman.Wala nman akong naintindihan.Pare pengeng papel tapos pakopya na din"

"Pare magbago ka nman. T@ngin* pare fourth year na tau pare wala ka pa ring papel."

"Dali na parang di ka kaibigan"

"Tek na yan pare.Manghihingi ka na lng ng papel kasama pa ung sagot???kundi lng kita kaibigan"

  Tapos ayun nagkopyahan na sila.AT dahil sa crush ko sya di ko maisumbong. xD.

Lumipas ang linggo  at un wala pa ring dalang papel si Rei kaya laging nanghihingi.Ang ndi ko lng alam ako kase ung katabi di ba dapat sa akin sya nanghihingi kase ako ung pinamalapit pero ang nangyayari pumupunta sya sa unahan para manghingi.AT pag walang nagbigay nagtitiyaga siyang walang papel kaya nman

"Uhmmm REi gusto mo ng papel eto oh"

   Tumingin lng sya papel tapos parang inis nyang kinuha.AYos lng sa kin na nainis sya at least nahawakan ko ung KUKO nya.hahaha adik lng.

Hanggang sa naggroupings at ako lng ung may dalang ultra paper kaya halos lahat sila nanghingi sa kin.Pero itong katabi alam naman sa kin galing tanong pa ng tanong.

"Jude hoy san ka nanhingi ng ultra ihingi mo namn ako"

"REi katabi mo na di mo pa mahingan.Tek ikaw na humingi"

 Di nman umimik si Rei at nagtanong pa sa iba kung sinong meron pang ultra.LAhat sila ako ung sinasabi.KAya ayun parang napilitan 

 "Ami may ultra ka pa ba?"NAkayuko lng sya habang sinasabi un

"ah OO.WAit lng"binigay ko sa kanya ung ultra  ngunit wala man lng thank you.

"Simpleng thank you lng di pa masabi"bulong ko

"Thank you"narinig ko ba talaga un??baka ilusyon ko lng kase pagtingin ko sa kanya may kausap syang iba.

Dumating ang Filipino time at may test na nman at dahil walng papel si REi humihingi ulit sa mga kaklase ko pero wala ng ibig mamigay dahil ang mamimigay daw ng papel may minus  pero dahil sa Naawa ako

"Rei eto oh"sabay abot ng papel.

"uhmmm baka sa susunod di na kita mabigyan sa susunod ah kita mo paubos na ung papel ko.Bakit di mo itry magdala ng papel?"

 Pero dahil alam kong dakilang isanbero sya sa kin ayun talk to the wall ako.

Kinabkasan may test nman sa Social so ayun kuha ulit si papel kaya lng parang may mali.NAiwan ko sa bahay ung papel ko dahil sa kasosolve nung lintik na trigo un.No choice ako kaya try kong manghingi.  NAbigla ako kasi naglabas si Rei ng isang pad na one fourth.Di kaya iniisip nyang iniisip kong wla syang pambili kaya ayun bumili??KAya lng wala pa rin akong papel.NAhihiya ako kay REi kaya lng sya ang pinakamalapit sa kin at isa pa andyan na ung teacher namin alangan nmang tumayo pa ako para manghingi.PAkapalan na ng muka

"Rei pwede pahingi??"

Di sya umimik sa halip nabigay sya ng isang papel.Tinanggap ko nman.HAbang nagsasagot may napansin ako sa kailaliman ng papel.MAy nakasulat kaso ang liit.Pinilit kong basahin at nagulat ako sa nakasulat

"I Love You"

PAgtingin ko sa kanya nakangiti ang loko.

~The End XOXO~ 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon