File 17- About the past

56 7 2
                                    

File 17- About the past

[MAXENE's POV]

"I think this is the right time to tell you the story"

ano ba yung sinasabi niyang gusto kong malaman? may alam ba siya na hindi ko alam? kung sabagay, hindi naman kami magkapatid nito at kahit nga magkapatid, hindi alam ang meron sa isa't-isa ehh

"anong story ba yun?" pagtatakang tanong ko sa kanya. naguguluhan na ako sa kanya ehh.

"listen carefully. alam kong hindi dapat sa akin manggaling ito pero I think this is the right time for you to know the truth" pathrill tong isang to ehh. ayaw pa ako diretsuhin ehh

"the truth? huh?" gulong-gulo na talaga ako sa kanya -_-

"6 years ago... may friend ako. She's not only my friend but my bestfriend. I love her more than a friend. siya yung kalaro ko every time. siya yung laging nagpapasaya sa akin sa tuwing malungkot ako.. but.. an incident happened. nagpunta kami ng beach resort. actually dito yun sa resort na yun nangyari ang incident na yun....'

huminga muna siya ng malalim tapos tumingin siya sa akin. tahimik lang akong nakikinig sa kanya pero unti-unti akong nahihilo.

"dito namin cinelebrate ang birthday niya kasi yun ang gusto niya--" naputol  yung pagkukwento niya dahil biglang sumakit yung ulo ko. 

"okay ka lang?" tanong sa akin ni Mico habang hinahaplos ang aking likod. pero ang sakit talaga ng ulo ko ehh. parang migraine. argghh

"okay lang ako. siguro kailangan ko nang itulog ito"

"siguro nga. sige Maycee matulog ka na. goodnight" he kissed my forehead pero lalong sumakit yung ulo ko nung binanggit niya yung pangalan ko. 

"goodnight din" sabi ko at humiga na ako. sana bukas wala na tong sakit ng ulo ko. magbobonfire pa kami bukas ehh.

--

"tara dun tayo maglaro Maycee" sabi nung batang lalake sa akin habang nakaturo sa may seshore..

"ano? sige paunahan tayong makapunta dun" hamon ko naman sa kanya at nag-evil smile pa ako. hahahaha

"sige. ano? haha wag mo kong hinahamon Maycee. you know me" aba talagang hinahamon ako ahh. hindi ako papatalo noh!

inunahan ko na siyang tumakbo papuntang seashore kahit hindi pa nag-uumpisa. hahaha may pagkamadaya din ako ehh. hahaha

"ang daya mo talaga Maycee." sabi niya at tumakbo na din. alam kong mas mabilis siyang tumakbo kesa sakin kasi lalaki siya. malalaki mga hakbang niya pero di ako papatalo...

"ang bagal mo talaga Maycee kahit kailan." oh my! naunahan niya ako? ano ba naman yan -_-

"ang daya mo talaga" sabi ko sabay pout. kakasabi ko nga lang na hindi ako magpapatalo ehh tapos bigla niya akong naunahan. grabe lang diba?

"anong kinadaya ko? sino ba yung naunang tumakbo sa atin na hindi pa nagbibilang? haha" pang-aasar niya sa akin. grabe talaga tong lalaking to

"akala mo ahh. sa pagswimming naman tayo. ano?" hamon ko ulit sa kanya. mabilis kasi akong  lumangoy kaysa sa kanya kaya baka tumanggi siya. hahaha

"hanggang saan ba?" tanong niya  at itinuro ko naman yung bangka na medyo malayo pero kaya kong languyin. "oh tara game"

"1...2...3..." at tumakbo na kami sa may dagat. nang umabot na sa may beywang ko ang tubig ay lumangoy na ako at ganun din siya

medyo malayo ang agwat naming dalawa kasi mabilis ako lumangoy. konti nalang ay makakapunta na ako sa finish line. kaso...

"AHHHHHHHHHH!! TULONGGGG"  pinupulikat ako.

"MAYCEEEEE" rinig kong sigaw ni Mico pero hindi ko na talaga kayang lumangoy pa.

"Mico" at isang malakas na alon ang sumalubong sa akin kaya hindi ko namalayang bumangga ang ulo ko sa bangka

bigla akong napabangon nang dahil sa napanaginipan ko. hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. ang tanging hindi ko maintindihan kung bakit siya ang nasa panaginip ko. tinignan ko ang katabi ko na mahimbing na natutulog...

"Mico.."

[MMR] My Mr. Right  ♥o♥ (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon