Previous Page of 2Next Page

Wallflower

Dedicated to
king_05
spinner.gif

 

Pagkatapos ng araw na iyon, para bang laging isinumpa ang mga sumunod na araw sa buhay ko. Kabayaran ata ito sa lahat ng mga hiniling ko…

 

 

Lagi ko siyang nakikita na kasa-kasama si Ericka. Natatawa na nga lang ako e. Kasi kapag napansin niyang nasa tabi ako, bigla siyang lalapit kay Ericka para maglambing, magpa-cute, at magpaka-charming. Yung isa naman, syempre, sinasakyan yung trip niya.

 

 

Alam ko naman na sinasadya niya. Duh. Obvious naman iyon e. Hindi niya maikukubli sa akin na gusto lang niya akong saktan para lumayo na ako sa kanya.

 

 

Ang sama. Kailangan ba niya talagang gawin ito para lang mawala ako sa landas niya? Aalis naman ako e… huwag niya lang akong pilitin. Kasi…

 

 

Lalo kong ginugustong kumapit.

 

 

Masokista na nga ata talaga ako. Saan ko ba natutunan to? Grabe. Ang laki na ata ng ipinagbago ko ah. At lahat ng iyon dahil lamang sa lalake na to? Ang galing ah.

 

 

Isang araw na lang at gagraduate na kami. Magpapasalamat ba ako dahil gagraduate na kami? Parang ayaw ko pa ata. Sinong may gustong grumaduate ng ganito ang sitwasyon mo sa buhay? Palit tayo sige.

 

 

Sinabi ni Nicole na para na daw ata akong namanhid, o sadyang masokista lang ako kaya natatagalan ko pa yung mga ginagawa niya sa akin. Oo. Nakakamanhid nga ata. Pwede ko bang sabihin na nasanay na ako? Hahaha…

 

 

Pero sa totoo niyan, nasasaktan pa rin ako. Sa bawat araw na lumilipas, lalo akong nahihirapan sa mga ginagawa niya. Walang gabing lumipas na hindi ko siya iniyakan. Walang araw na nagdaan na hindi ko hiniling na sana ay tumigil na siya at bawiin na lang niya lahat ng mga sinabi niyang masakit.

 

 

Hating-gabi na. Ay mali, alas dos na pala ng madaling araw. Pero eto ako, tulala lang, habang may pasak na earphones sa tenga. Anong oras kaya ako makakatulog? O baka abutin na ako ng umaga? Ewan…

 

 

When I see your smile

Tears run down my face

I can’t replace

Ayan. Napaluha tuloy ako bigla. Kainis naman tong kanta na to oh… Sumakto pa talaga.

 

And now that I’m strong I have figured out

Naging malakas na nga ako ngayon, dahil sa mga ginawa mo.

How this world turns cold and it breaks through my soul

Pero ang sakit kasi noon ko nakita na bato pala ang puso mo…

And I know I’ll find

Deep inside me I can be the one

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, gusto ko pa ring mapasayo…

 

I will never let you fall

Hindi kita pababayaan…

I’ll stand up with you forever

Dito lang ako sa tabi mo palagi kang gagabayan…

I’ll be there for you through it all

Kahit na sinasaktan mo lang naman ako…

Even if saving you sends me to heaven

Nandito lang ako para sayo…

 

Argh. Ang emo ko na. Tama na nga tong pagmumukmok na to…

 

 

 

Graduation na.

 

Sinabi ko sa sarili ko noon na gagraduate ako ng simple lang, ng walang makeup. Pero eto ako, pinilit ko pa si mama na kumuha ng magme-make up para sa akin. Parang bigla kong ginusto na maging maganda sa mga mata niya…

 

 

Kahit na ilang beses ko na iyong sinubukan…

 

 

So far, matiwasay naman ang daloy ng graduation namin. Natanggap ko na rin ang diploma ko, sa wakas. Isa na akong graduate ng elementary. Masaya na ako dahil nagawa ko ito, at ang bonus doon ay Valedictorian ako. At dahil nga doon kaya nandito ako sa stage ngayon, dahil may speech ako. Word of Thanks lang naman.

 

 

Pinasalamatan ko lahat ng mga tao na sumuporta sa akin, lalo na si Miss Angeles. Binanggit ko rin yung mga kaklase ko, lalo si Nicole.



“Nicole! Bestfriend ko! Ayan ah, binanggit ko na ang pangalan mo. Baka kasi batok at hampas ang abutin ko sayo kapag hindi ako sumunod sa threat mo.”

 

 

Nagtawanan yung mga tao, at si Nicole naman ay biglang nanliit sa silya niya. Mukhang may batok pa rin ako mamaya. Haha!

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Jung Yong Hwaas Jeremy San Jose
Seohyunas Odessa May Bernardino
Hyoyeonas Nicole

Who's Reading

865smile_19 king_05 MarianJennPrincipe

Recommended

My First Love ღO N G O I N GღReal Shivon o n e s h o tTeenage Love Rumble (On-Going)We Meet Again