Previous Page of 4Next Page

Hanggang best friend lang ako. (One-shot story)

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

"Tabs! Tara na! Late na tayo eh. Mapapagalitan tayo niyan eh." Sabi ni Yats at para bang di mapakali at kung san-san palakad-lakad.

 

Hi! Ako nga pala si Yhllaine Olca Underwood, 4th year highschool at nag-aaral sa College de bons trint (pronounced as College de bo tree). Yup! I study sa isang French school kasi Half french si mommy and half american si daddy.

 

Kaklase and best friend ko yung humihiyaw sa akin ngayon. Siya si Christian Hidalgo Friolle, half french siya dahil french ang dad niya and Filipino ang mom niya.

 

Oo, siya si Yats. Ang bestfriend ko na lihim kong iniibig.


Yats and Tabs ang tawagan namin. Mataba daw kasi ako eh, which is so not true!!

 

Pano ba kami naging mag-best friend? Hindi kami nagkakilala sa park nung bata pa kami, hindi rin naman niya ako pinagtanggol, hindi rin siya nakipagkaibigan sakin. Simple lang kung pano kami naging magkaibigan.

 

Best friends ang mom ko and mom niya and pareho kaming only child kaya naging magbest friends kami.

 

Pero kelan naging official na mag-best friends kami? Nung Grade 6. So yeah, 5 years na kaming magbest friend.

 

Today is our 5th anniversary as best friends. Best friends lang. <///3


"Tabs naman eh!! Iiwanan na talaga kita! Urrrghh! 5 minutes late na tayo sa first class natin, kung ano ano pa iniisip mo jan!" Naku! Galit na si Yats. Hala!

"Ah eh, sorry ah Yats? Eto na po tapos na ko. Tara na?" Naku Yhllaine magpakabait ka ngayon at mukhang napikon mo ang best friend mo eh 5th anniv ninyo pamandin today.

"Let's go." Poker face niyang sabi at nauna sa paglalakad papunta sa sasakyan niya.

 

Naku, galit na nga talaga yun!

 

Hindi naman kasi siya mahilig talaga mag-intay. Hindi ko ba alam kung bakit niya pa ko inintay eh.

 

He started the engine tapos nagsimula na siya mag-drive.

 

Ano ba naman to? Ang tahimik namin sa biyahe, nakakabingi!

 

Nung di ko na matiis ang katahimikan, nagsimula na akong magsalita.

 

"Uhh, Y-yats?" Nagaalinlangan kong sabi.

"Mm?" Sagot niya.

"Ah, wa-wala ka bang alam kung anong meron ngayong araw na to?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Bakit?" Sabi niya at napatingin sakin. What?! Don't tell me hindi niya alam na 5th anniversary namin ngayon?!

"Bakit, ano bang meron ngayon?" Sabi niya ulit.

"Ah, wala. Teka, ano bang date ngayon?" Response ko sa kanya. Ouch talaga. Ouch!

"June 16, ****" Simpleng sagot niya sa tanong ko.

"Aaah." Simpleng sagot ko na lang din.

 

Grabe nakalimutan niya. Sobrang galit o pikon na ba siya para makalimutan niya ang special day na to? Hayy Yhllaine, tumahimik ka na nga lang. Wala kang mapapala today. Ikaw kasi eh ang bagal bagal mo kumilos ayan tuloy inis best friend mo.

 

"Nadito na tayo." Sabi niya.

 

Pagtingin ko sa labas ng bintana.. ah? Nasa school na pala kami?

 

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan.

 

"Tara na." Sabi ni Yats at nauna nanaman siyang maglakad. Nakasakbit yung black niyang backpack sa isa niyang shoulder.

Hayy, bakit ang pogi mo kahit nakatalikod, Yats? Hayyyyyy.

 

Naramdaman kong may nakahawak sa mga balikat ko at inaalog ako.

 

"Hoy! Ano nanaman? Late na nga tayo, patagal ka pa. Tara na!" Sabi niya sakin na para bang inis na talaga. Walang ka-emoemosyon niyang pagkakasabi.

 

Yhllaine! Snap out of it. Hindi ka na nahiya sa best friend mo!

 

Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula nalang akong maglakad papasok ng building.

 

Pagpasok ko ng classroom..

 

"Oh, nasan si Miss?" Tanong ko kay Icca, yung kaklase ko na nasa may pinto.

"Hi Yhllaine! Wala eh, absent." HA?! ABSENT?! NAMAN OH!!

"Teka, absent?" Eh? Diba pag absent ang teacher eh GM yun ng mga kaklase ko.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (10)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Recommended

ALMOSTMy Only Wish (KathNiel) One ShotPuppy Love ~(ongoing)One Shot Stories ت