Chapter 53

416K 9K 2.1K
                                    

A/N: Pasensya na for typos. Tamad mag-edit yung otor nito XDD

Chapter 53

Sitti's P.O.V

"Sigurado ka na bang okay ka na anak?"

"Opo Ma. Okay na po ako."

Ilang araw din akong nagtagal sa ospital. Ang O.A kasi ni Mama eh! Ang dami pang pinatake na test sa akin. Yung pinaka malala yung sa utak. Baka daw kasi may nawala na parte ng utak ko dahil doon sa pagkakabato sa akin ng mga kaklase ko.

Pero okay din yun. Kasi ilang araw natahimik buhay ko.

Walang galit na fan girls. Walang bulungan. Walang school. Walang assignment. Walang stress.

And I therefore conclude na mas maganda pala sa ospital kaysa sa school. Sa ospital nakahiga ka lang, pakain-kain ng prutas, at pabasa-basa ng book.

Ang hindi lang magandang benefit sa mga na-oospital, bawal Facebook. Walang Wifi doon sa ospital na pinaglagyan nila sa akin. Tsk!

At habang nasa ospital din ako, lagi akong binibisita ni Kaizer at nung iba pa.

Nakakatuwa ang pagbisita nila pero medyo nakaka-ewan din minsan.

Hindi ko kasi alam kung binibisita ba talaga nila ako dahil gusto nila akong kumustahin o trip lang nila akong asarin.

Lalo na yung mayabang na Kaizer Buenavista na iyon! Huh! Grabe! Tinalo pa nya yung lamig ng aircon ng ospital sa ere na nasa katawan nya!

Napalingon kami pareho ni Mama nang may marinig kaming nagdoorbell sa gate.

Bakit kaya doorbell ang tawag sa bell na nasa gate? Di ba dapat gatebell?

'Okay. Ang korni mo Felicity Sandoval. Last mo na 'yan ah?' sabi nung boses sa utak ko.

"Tsk!" sabi ko na lang sabay subo nung pancake na hinanda ni Mama para sa akin.

"Nandito na boyfriend mo anak!"

Muntik ko ng maibuga palabas ng bibig ko yung kinain ko sa sinabi ni Mama.

Dapat ba talagang sabihin na "boyfriend" ko yung dumating kaysa sa pangalan na lang?!

Sabagay, totoo namang boyfriend ko si Kaizer Buenavista. Pero hindi naman nila kailangang ipangalandakan sa akin yun araw-araw ano!

Kaya ako naaawa nung mga fan girls nya eh!

Speaking of fan girls pala, yung huling kita ko pa sa kanila ay nung pinigilan ko si Kaizer na saktan si Margaret.

Grabe! Hindi ko talaga naisip na kaya palang saktan ni Kaizer si Margaret!

Kahit na sa loob-loob ko gusto ko ding gumanti kay Margaret, pinigilan ko na lang yung sarili ko.

Wala kasing madadalang magandang effect ang revenge sa tao eh! Makakasakit lang tayo ng iba tapos masasaktan din tayo at makokonsensya pa. Sino mas kawawa? Yung magtitake ng revenge di ba? Kasi nasaktan na sya sa pananakit ng taong nanakit din sa kanya, makokonsensya pa sya.

Saka hindi naman kasama si Margaret sa mga nanakit sa akin—ay kasama pala sya. Pero di naman nya ako binato. Nilublob nya lang ako sa harina.

Siguro kaya nya ginawa yun kasi ang oily na ng mukha ko noon. Tsk!

"Lutang ka na naman!"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon