Heaven-sent Kismet

106 1 0
                                    

Heaven-sent Kismet

Nasa isang park kami, masayang nakaupo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at sino din ba ang mag-aakala na ang kasiyahang nararamdaman ko ay biglang maglalaho katulad ng paglubog ng araw.

"Van, I'm sorry."

"Why?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"I'm breaking up with you."

Noong una akala ko binibiro niya lang ako dahil April one noon at April Fools kaya tinawanan ko lang siya. Hinihintay kong sabihin niya ang mga katagang Happy April Fools pero wala kaya nagsalita na ako.

"Nice joke Annie."

"Hindi ako nagbibiro."

Napatigil ako sa pagtawa at tiningnan ko siya. Doon na ako nagsimulang kabahan dahil nababakas ko sa mukha niya na hindi nga siya nagbibiro at seryoso siya. Nataranta ako bigla dahil hindi ko aakalain na darating ang araw na mangyayari ang mga ito.

Oo, masyado pa kaming bata para isipin ang kasal pero alam ko at ng puso ko na siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda kaya hindi ko na inisip ang posibilidad na maaaring maghihiwalay pa kami.

"Pe...pero bakit?"

Ipinagkibit-balikat niya lang yung tanong ko at tumayo siya. Tumayo rin ako para pigilan siya sa pag-alis niya. Hindi ako papayag na mauwi lang sa ganito yung relasyon namin.

"Ano bang ginawa kong mali? May hindi ka ba nagustuhan sa mga inaasal ko nitong mga nakaraang araw o ngayon?" Umiling lang siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

Tiningnan ko siya sa mata at halata mo doon na ayaw niya rin itong ginagawa niya. Alam kong nasasaktan din siya pero bakit niya ginagawa ito?

"I'm sorry Van pero buo na ang desisyon ko. Sana naman irespeto mo na lang."

"Irespeto Annie?! Ni wala ka ngang ibinibigay na matinong rason tapos irespeto? Baka sakaling maayos pa natin itong relasyon natin. Hindi sulosyon ang paghihiwalay" Biglang napalakas ang boses ko dahil natataranta na ako at takot na mawala siya sa akin.

"Let me go!" Sigaw niya habang nagpupumiglas.

"Hindi. Hindi kita hahayaang umalis hangga't hindi mo sinasabi ang rason-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil tinapakan niya ang paa ko at nabitawan ko siya. Tumakbo siya at sinubukan ko siyang habulin kahit iika-ika na ako pero malayong maabutan ko pa siya.

Pinagmasdan ko na lang siyang tumatakbo palayo sa akin, palayo sa taong nagmamahal sa kanya kahit masakit. Habang ginawa ko rin iyon ay nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Ang sakit. Iniwan niya ako at ang masakit pa dito, iniwan niya akong mukhang tanga dahil hindi ko alam kung ano ang rason niya at higit sa lahat, hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para isalba ang matagal naming relasyon. She left me dumbfounded. Bakit ba kailangang mangyari ito? Naging mabuting nobyo naman ako at ni minsan alam kong hindi ko siya nasaktan, physically o emotionally; Intentionally o unintentionally.

Habang nakatayo sa gitna ng daan ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na para bang nakikisimpatya sa masamang nangyari sa akin. Ito pa ang nakakatuwa, noong araw ko ding iyon nakilala ang taong nagligtas sa akin mula sa kalugmukan na para bang isang anghel na bumaba galing sa langit para payungan ang isang taong durog na durog na. Siya rin ang nagsilbing liwanag ko noon.

=-=-=-=

"Van okay ka lang?" Tanong ni Amy, ng anghel na nagligtas sa akin sa kasadlakan noon.

"Oo. Bakit naman?"

That memory happened seven months ago pero hanggang ngayon binabangungot pa rin ako at ganoon pa rin kalakas ang impact niyon. Sino ba naman kasi agad ang makaka-move-on kapag iniwan ka ng taong minahal mo ng ilang taon ng hindi man lang nagbibigay ng katanggap-tanggap na rason o kahit ng isang rason man lang.

Heaven-sent KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon