Chapter 5

2.4K 44 15
                                    

Chapter 5

 

 

“Ate Tin!” napalingon ako sa kapatid ko na kakapasok lang sa kwarto ko. Suminghot singhot naman ako. Kasalakuyan kasi akong nagbabasa ng ‘The Fault in Our Stars’ by John Green ngayon at eto nga, takte, kanina pa ako iyak ng iyak. Ayos to e. Umagang umaga bumabaha ng luha dito. “Anong drama mo?” tanong niya ulit at tinuro ang nagkalat na tissue sa tabi ko.

“Bakit ka ba nandito?” nakansimangot na tanong ko. Panay parin ang punas ko sa luha ko.

Lumundag naman siya sa tabi ko kaya’t naglagay nalang ako ng bookmark sa libro at inilagay yun sa side table ko, “Eh kasi naisip ko lang. Ang pamilyar ng mukha nung Anton na ‘yun! Hindi ko lang mapin point kung saan ko siya nakita basta ang alam ko ang pamilyar niya talaga!” saad niya at nilantakan yung chips na kinakain ko kanina habang nagbabasa ako.

Binatukan ko naman agad siya, “Aray naman ate!”

“Seryoso kang iyan lang ang ipinunta mo rito? Nanggugulo ka sa kwarto ko kasi pamilyar sa iyo si Anton?” halos pabulyaw kong saad sa kanya. Anak nang pitumpo’t pitong tupa naman, oo. “Hoy wag mo sabihing nainlove ka na dun? Babatukan kita! Kahapon lang kayo nagkita aba!” pagbabanta ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo at umiling, “Hindi naman ganun yun ate e!”

“Oh eh ano ba?”

“Familiar siya. Familiar na parang nakita ko na kung saan yung mukha niya.” Napaisip naman ako. Familiar? “Ate di kaya artista yun noon?” dagdag niya pa.

Tiningnan ko naman siya nang masama, “Tanga! Kung artista siya noon edi sana kilala mo siya at nang iba pang tao dito?”

Nagkibit balikat naman siya, “Pero malay mo naman ate,” ngumuya siya, “Sa gwapo ng isang ‘yun magkakandarapa ang ABS – CBN at GMA na kunin siya bilang artista.” Napatango naman ako. Totoo naman kasi. Yung mukha niya, ruggedly handsome ba?

“Pero alam mo ate parang may HD sa’yo yung lalaking ‘yun e. Kasi alam mo kung pwede lang sigurong matunaw kapag tinititigan malamang nilagay na kita sa freezer ngayon dahil natunaw ka na!” inirapan ko siya.

“Sorry siya! Hindi ko type ang mga ruggedly handsome! Alam mo naman ang mga tipo ko! Yung mala-Ansel Elgort ba.” Saad ko at kumindat.

“Sus ate maiparinig nga sa iyo yung kanta ng paramore na ‘The Only Exception’ mamaya. Alam mo ba na base sa reader’s digest ay ang taong nakakatuluyan mo daw ay opposite ng tipo mo?” tumaas baba pa ang kilay niya. Ganyan siya kapag gusto niyang itulak ang gusto niya.

“Nagbabasa ka ng reader’s digest? Lokohin mo lelang mo!”

“Ate naman e! Basta yun na ‘yun!”

Di rin naman nagtagal ay lumabas na siya ng kwarto ko. Nagchismisan lang kami ng nagchismisan hanggang sa napagod daw siya at inantok. Oo daw. Alam ko kasing pagdating sa kwarto nun magiinternet lang yun.

Tinamad na din naman ako magbasa kaya’t naligo nalang ako at nagbihis. Pagkababa ko ay nakita ako ni Tita habang nanunuod siya nang movie, “May lakad ka?” tanong niya sa akin. Napakamot naman ako ng ulo dahil sa totoo lang wala akong alam sa lugar na ‘to. Hindi ko unang beses pumunta dito pero noon kasi mga dalawang araw lang kami at nagbi-beach kami overnight kaya hindi ako gaano nakakagala.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon