CHAPTER FIVE: Sweet Revenge

156 14 3
                                    

enjoy reading po..

hehe..

pakibasa din po pala yung isa ko pang story..

Friendship and LOVE

^_^ thanks po..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER FIVE: SWEET REVENGE

Maaga akong nagpaalarm. Ready na ko pumasok ehh. syempre naman. Alam nyo na. maeron nga kong naisip na bright idea bago ako matulog kagabi diba? Hahaha.. nakakatuwa naman. Well, alam ko namang magwowork sya ehh. kung may iutos man sya ngayon, wala na kong pakialam. Kasi nga meron akong BRIGHT IDEA.. ang galing galing ko talaga.. im so BRIGHT.. yeah..

Bumaba na agad ako para magluto. Good thing. Hindi pa sya gising. Haha.. nagluto na agad ako ng kung ano anong pang breakfast. Kailangan ko din ng energy ehh. haha. Nung matapos na ko sa pagluluto ko, sakto naman na bumaba na sya.

“ good morning troy!!” haha. Sige lang.. papakabait muna ako sayo. Para umayon sakin ang lahat.

“ yuck. Kadiri. Wag ka nga ngumiti ng ganyan. Nakakaasiwa tignan.” Psh. If i know. Ang cute kong tignan ngayon. Pero, syempre, smile parin ako ng napakalapad.

“ may kailangan po ba kayo? May ipapagawa or anything?” tanong ko sa kanya..

“ may sakit ka ba? Sige. Simulan mo nang linisin ang kwarto ko pagtapos mo dyan. Pati yung labas. Walisan mo. basta. Maglinis ka.” Sige lang. Magutos ka. Patay ka sakin mamaya.

“ ok sir. Antay antay ka lang.. pagkatapos ko kumain, gagawin ko lahat ng yan.” Tapos nagsmile ulit ako sa kanya. Hahaha. Nakakatuwa yung mukha nya.parang naguguluhan na ewan..

Pagkatapos ko kumain, naglinis na ko. grabe. Parang sinasadya nya talagang guluhin yung kwarto nya. psh. Ansakit na ng katawan ko kakapagpag, kakapunas, kakawalis, and finally, natapos ko ding linisin ang kwarto nya. after nun, nagpunta na ko sa may garden at nagwalis dun. Ganon din sa ibang part ng bahay. Pagkatapos ko maglinis, nagpahinga lang ako sandal tapos naligo na ko at nagprepare papuntang school. MWAHAHAHA.. LET THE GAME BEGIN.. >:))

“ ambagal mo naman. Ano pa bang ginawa mo at tumagal ka ng kalahating oras? Kanina pa kita hinihintay ahh..” haha. Yan palang highblood na sya? haha. Sinadya ko naman talagang magpatagal.. mwahhaha..

“ kasi, napagod ako kanina.. pasensya na.” yumuko pa  ko nun na parang natakot ako sa kanya.

“ sige na. sumakay ka na.” mwahaha.. nakakatuwa. Naging seryoso na yung boses nya at kalmado.. brrr.  Nakakapanindig balahibo. Pumasok nalang ako papasok sa kotse nya. binuksan ko yung radio at tinodo ko ang volume.. ^_^

“ bakit mo ba binuksan yan? Patayin mo nga yan. Ang lakas lakas pa..” haha..

“ gusto ko lang sana magrelax. Napagod kasi talaga ako. Sige. Patayin nalang natin. Minsan kasi talaga, hindi natin naiintindihan yung iba. Minsan, sarili lang natin ang iniisip natin. Sige. Patayin mo na. music lang naman ang nakakapagrelax sakin ehh.” nakita ko naman na nagiba yung mukha nya. haha.. kaya ayun. Hinayaan nya nalang ako na buksan yung radio. Nilakasan ko pa talaga yun. nagrereklamo sya na hinaan ko daw pero kunwari, di ko sya naririnig.. hahaha. Pagdating namin ng school, pinatay ko na din yung radio. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto nung bababa na ko. syemre para balik nanaman kami  sa aming PRETEND thingy na yan. Haha. Pagbaba ko, inabot ko sa kanya yung bag ko. hehe.

“ ano yan?” tanong nya sakin.

“ bag ko. pabuhat naman. Ambigat kasi..” madami nang nakatingin samin. Psh. HELLO!! Ordinary students lang kami. Nagkataon nga lang na maganda ako at pangit sya. haha. LOL..

Only HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon