He's Into Her by Maxinejiji

8.2K 111 57
                                    

I read this story also because of my college friend naman. Nung una ko pa ngang sinearch to ang daming lumalabas hahaha kaya kung isesearch nyo sya sa Wattpad instead of searching He's Into Her type nyo nalang ang one of the "hambog na author" hindi literal na hambog na mayabang ang sinasabi ko ah. Hambog kasi ang gusto ni Ate Max na itawag sa kanya kaya hahaha ang astig kasi ng story nya super! Just like the first story that I've posted nakapublished na sya into books na din I think hinati ang book na into into 3 seasons . Ang book 1 po ay 8 BOOKS, tatlong season po ang HE'S INTO HER. Season One, Two and Three mahaba kasi ang His Into Her, available pa din sya sa Wattpad ngayon ang Book 1 ng He's Into Her ay hanggang Chapter 94.

Punta naman tayo sa characters. Are you familiar with the Ghost Fighter charcters? Sino nakakakilala kay TAGURO? Taas ang kamay hahaha! As if naman makikita ko kung tinaas nyo naman ang kamay nyo hahaha! Eh sino naman ang nakakakilala kay SENSUI? Taas naman ang paa hahaha! Kung familiar kayo sa mga anime characters na tinanong ko aba'y welcome sa mundo ng He's Into Her. Sino nga ba si Taguro at Sensui sa story na ito? Well basahin nyo nalang dahil uulitin ko ayokong maging spoiler hahaha! Itataya ko uli si HRM kapag hindi nyo nagustuhan ang story na ito hahaha.

This story is not just an ordinary story that I've read may something sa story na to hindi mo titigilan na basahin hanggang sa hindi mo matapos. Paano ba  naman hindi lang basta isang simpleng babae ang ating bida na certified na hambog talaga.

Meet Maxpein del Valle isang matabang babae na walang ibang emosyon ang mata kundi ang pagiging cold. Para bang pasan nya ang daigdig, hindi sya palaayos at kung sa unang kita mo palang sa kanya ay hindi mo sya mapagkakamalan na babae sya kasi hindi sya yung typical na babae na nagsosoot ng dresses, skater's skirt o ano pa. Para syang tomboy kung manamit kung nagtataka kayo kung bakit sya ganun manamit at bakit kakaiba yung coldness ng mata nya na makikita nyo read the story and be amazed on the different scenarios of this story.

On the other hand let's meet the number one bully of this story pero kahit bully sya mahal na mahal ko sya LOL. Hahahaha!

Deib Lohr Enrile ang sexy ng pangalan nga noh? Hindi yung typical na spelling na "Dave" kundi Deib idagdag mo pa ang second name nya na Lohr hahaha. Sa sobrang ganda ng name nya yung Lohr na pangalan nya ay dinudugtong ko din sa pangalan ko sa ibang accounts ko hahaha feeling ko kasi kasama ko sya pag magkadikit ang pangalan namin hahaha. Gusto nyo ng taong sweet yung wala na kayong hihilingin pa mapapasabi lang na "Ichuaw lh4ng szxaph4t na!". Kung una kong minahal si Nathan Lance Mariano sa mundo ng Wattpad isa lang ang masasabi ko si Deib Lohr Enrile ang one true love ko hahaha! Hindi ko alam ang kilig na naramdaman ko sa story na to lalo na kay Deib ang sarap nyang iuwi sa bahay hahaha! Sa sobrang kasweetan nya ay iniimagine ko nalang na ako nalang yung kapartner nya sa story na ito. Sino nga ba ang makakapartner ni Deib ? Basahin nyo nalang hahaha! So far this story ay yung talagang nagpakilig sa akin nasa probinsya pa ako nagbabakasyon nung binasa ko to at nahuli pa ako ng Papa ko na nagtitili akala nga nila katext ko boyfriend ko eh. Sabi ko nalang sa kanila "Oo katext ko boyfriend ko si Deib Lohr Enrile" hahaha!

Once na mabasa nyo ang mga kilig moments ni Deib nako makakarelate kayo sa nararamdaman kong kilig hahaha! Sobrang kinikilig ako sa story na to wala akong ibang maramdaman kundi ang kiligin hahaha! May Book 2 din ang He's Into Her at yung Book 3  ng nito ay On-going pa.Available pa din sya sa Wattpad. Napakasipag kaya mag-update ng author nito na walang iba kundi ang nag-iisang hambog na author sa Wattpad na si Ate Maxinejiji. Hindi po sya snob guys sobrang saya ko nung niretweet nya yung tiniweet ko sa kanya sa Twitter at nagreply pa sya hahaha! Nabuhay ang katawang tao ko nung napansin ni Ate Max yung tweet ko sa kanya yung iba kasing authors snob eh =((

Hahaha. Again guys kahit na kawawa na yung crush ko na HRM itataya ko uli sya kapag hindi nyo nagustuhan ang story na to hahaha! Hi Ate Max! One of my favorite author! Magaling na writer na nga hindi pa snob ahaha! Keep writing Ate Max ikaw ang nag-iisang "Hambog" sa Wattpad World. Pakisabi po kay Deib na mahal na mahal ko sya hahaha! 

d-,-b Trademark na emoticon to ni Ate Max. Hinahabol na ako ng puso ni Deib hahaha! Nasa right side po yung book cover ng He's Into Her. Best Wattpad Story I've read :)

chicsniHRM©2014

Best of Wattpad #BoomPanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon