payong (one-shot)

89.2K 2.6K 851
                                    

uwian na namin galing school, kaso ang lakas ng ulan, hindi ko pa nman gawain na mag dala ng payong lalo na ang dami ko ng dala dalang libro, pabigat lang ayan ang lagi kong iniisip pag pinag dadala ako ng mama ko ng payong.

1st year high school ako nun tandang tanda ko 6:30pm ung uwian namin, pero dahil sobra nga ung lakas ng ulan inabot na ako ng 8:00 pm sa school, mangiyak ngiyak na ako nun dahil ang dilim na sa paligid, pero bigla kang dumating, my dala kang payong, tuwang t uwa ako nun kasi pakiramdam ko niligtas mo ako sa katakutan ko, ang sabi mo pa nga sakin 'naku kang bata ka buti nakita kita dito, tara pasan ka na sakin, ang taas na ng baha'

kahit hiyang hiya ako nun kasi nakapalda ako, pumasan naman ako sayo, gusto ko nga nun pangkasal sana ung pagkakabuhat mo sakin kaso nahihiya ako, baka sabihin mo na nman 'ikaw bata ka lagot ka sa tito mo' madalas ko yan naririnig sayo, lalo na pag my kapalpakan akong ginagawa.

simula ng araw na pinasan mo ako, alam ko na sa sarili ko na iba ung nararamdaman ko sayo, pero dahil matalik kang kaibigan ng tito ko, at ang layo ng agwat ng edad natin, alam kong hindi pwede ung nararamdaman ko para sayo, at isa pa baka pamangkin lang din ang tingin mo sakin.

october nun natatandaan ko, bihis na bihis si tito jon kasi sabi niya debut mo daw, nagulat ako kala ko bakla ka kasi, hindi ko alam na my lalaki palang nag dedebut, pinilit ko si tito jon nun na isama ako kaya lang sabi niya bawal daw ung 13 years old sa bar, gusto kong mag wala kasi, gustong gusto talaga kitang makita, kaya pinaabot ko na lang sa kanya ung binili kong bracelet, terno tayo nun kaso hidni ko alam kung isusuot mo ung bigay ko, kasi tig sasampung piso lang un.

pagtapos ng bday mo hindi na kita nakita, sabi kasi ni tito bc ka na daw sa bagong mong girlfriend, sobra ung sakit na naramdaman ko nun kahit pa bata ako, alam ko nang masaktan, umiyak ako ng gabing nalaman ko na meron ka ng girlfriend, pero sinabi ko sa sarili ko na baka naman my pag asa pa tayo? kaso pag tumanda na ako matanda ka na din.

'yetyet' tawag ko nung nakita kita sa isang bar sa timog, nag alangan pa nga ako nung una kasi ang haba ng buhok mo, pero alam mo mas gwumapo ung tingin ko sayo nun,

'hoy pamangkin kamusta ka na dalagang dalaga ka na ah, pwede na' hindi mo lang alam kung gano kalakas ung tibok ng puso ko nung hinawakan mo ung pisngi ko, at nakita kong suot mo ung bracelet na binigay ko sayo nung birthday mo, nahiya pa nga akong iaangat ung kaliwa kong kamay kasi suot ko din ung katerno nung bracelet na suot mo.

nagpalitan tayo ng cellphone number nung araw naun, at simula nun mas naging malapit tayo sa isat isa, madals kitang tinatanong kung bakit hindi ka na nadadalaw sa bahay, lagi mo lang sinasagot na bc ka, sayang ang gusto ko pa nman nun malaman kung kayo pa nung girlfriend mo na sinasabi ni tito jon, o wala na.

'sama ka nuod tayong concert' ayan ung txt mo sakin na halos himatayin ako sa loob ng jeep, papasok pa nman ako sa school nun, kung wala nga lang sigurong pasahero nun, baka nagtumbling na ako sa loob ng jeep dahil sa sobrang kilig ko. nakakatuwa nga kasi hindi mo na initay ung reply ko , tumawag ka agad at sinabi mo na bawal humindi.

payong (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon