The Decision (part 2)

47.8K 1.2K 261

Part 2

[Amber’s POV]

“relax Amber, I’m not going to bite you” Jiro told me with a playful grin on his face.

Nandito ako ngayon sa car ni Jiro without any freakin’ idea kung saan kami pupunta. Sa totoo lang, ayoko naman talagang pumayag sa ‘date’ na ito eh. Syempre no takot ko lang baka kung ano gawin ng lalaking to saakin. Mamaya eh galit parin saakin ang isang to at bigla na lang akong dalhin sa ilog Pasig at ihulog doon. Hindi pa naman ako ganoong kagaling lumangoy =___=

Pero syempre nangingibabaw parin yung konsensya ko sa pagsipa sa kanya at kung anu-ano pa ang masasakit na bagay na sinabi ko sa kanya kaya naman napapayag niya na ako.

Yun nga lang hindi ko alam bakit ang awkward ng pakiramdam ko? Para tuloy akong kiti-kiti dito na di mapakali.

“J-jiro, saan ba tayo pupunta?”

He grin “in heaven”

Napalunok ako.

Sana kung sakali man may gawin siya saaking masama at patayin ako sa huli, itapon niya na lang ang bangkay ko kung saan madaling makikita ng tao para naman kahit papaano eh mabigyan ako ng magandang lamay ng mga magulang ko. At please lang, kung itatapon man niya ang katawan ko, sana naman ay wag yung nakahubad ako. Damitan man lang niya ako ulit. At sana wag din sa basurahan. Isa pa sana hayaan niya muna akong kumain ng streetfoods bago niya ako pagtangkaan. T___T

Siguro naging mabuti naman akong nilalang. Lagi akong ang do-donate sa mga charity isa pa minahal ko naman ang mga magulang ko. Siguro naman sa heaven ang bagsak ko nito di ba?  T___T

“so this is heaven?” tanong ko kay Jiro habang nililibot ko ang mata ko sa place na pinagdalhan niya saakin.

“w-well.. y-yeah. Actually it’s my first time going in this kind of place kaya naman medyo naiilang ako. F-for sure naman nakapunta ka na dito?”

I looked at him “actually no. It’s also my first time here!”