My Monster Prince -HOLD-

spinner.gif

Gaya nga nga sabi ko, wala ako sa mood.

 

Pumasok ako ng bahay, nilock yung pinto at nagderetso sa kwarto ko at dun ako nagkulong. Naiinis talaga ako pero hindi ko na alam ngayon ang dahilan.

 

Nagpalit ako nang damit, tinanggal yung wig ko at nahiga sa kama. Nakaramdam ako nang pagod. Hindi ko alam pero napapagod na ako. Hindi dahil galing akong school or dahil maghapon akong hyper kanina kundi dahil napapagod na rin ako sa ganitong estado ko.

 

Estado ko bilang talunan. Pero anong magagawa ko? Pinili ko to hindi ba? Ako ang may gusto nito.

 

Nagtalukbong ako ng kumot. At sa hindi maipaliwanag na dahilan umiiyak nanaman akong magisa ngayon. Iniiyakan ko nanaman ang sarili ko.

 

Tanga kasi ako. Ito ang gusto ko, hindi ba? Lalo kong pinaparanas sa sarili ko yung isang bagay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

 

Hindi ko na kaya. Kailangan ko na nang kausap. Kailangan ko na siya. Kailangan makita ko na ulit siya. Aaminin ko, mahal na mahal ko pa rin siya kahit iniwan na niya ako. Mahal na mahal ko pa rin si Migs at ang sakit isipin na wala na. Wala na yung dating mayron sa amin dalawa.

 

Umupo ako at niyakap ang sarili. Nakakaawa akong tignan. Si Migs kaya maawa din sa akin pag nakita niya akong ganito? Ewan ko. Hindi siguro.

 

Iniwan na nga niya ako diba? So bakit kailangan ko pang magexpect na maawa siya? Ewan ko. Sa panahong ito, sino ba ang pwede kong makausap at sino ba yung taong pwede akong damayan?

 

Narinig kong may tumutugtog ng gitara sa kabila. Tumayo ako at pinunasan yung natirang luha sa pisngi ko at sumilip sa bintana. Si Whize. Nakaupo sa veranda ng bintana niya habang may hawak hawak itong gitara at tumutugtog. Hindi siya kumakanta pero pinapatunog niya yun.

 

Binuksan ko yung kurtina at naupo din sa veranda ng bintana at pinakinggan siya. Nakatalikod ako sa kanya. I didn’t bother putting on my wig. Bakit pa? Eh alam na rin naman niya.

 

Hindi ko alam yung tinutugtog niya. Ni lyrics hindi ko marinig sa kanya pero ewan ko, gusto kong pakinggan siya. Gusto kong marinig yung tinutugtog niya.

 

Somewhere deep inside my heart tells me that the song he is playing is for me. Feeling na kung feeling pero yun ang pakiramdam ko. At sa bawat tunog ng guitara niya napapa calm nito ang puso ko.

He’s putting a spell to tame a wild monster inside me. Yes. I am a monster too. I call myself a monster because I let myself drown in pain that I thought I’m already used to.

 

I start playing my feet on the furry rugged floor as he starts humming the song.

 

As he hums, you will know a beautiful voice inside. I close my eyes and let the music sink in me.

 

Out of nowhere, I’m humming the song with him.

 

Nakakatawa. Hindi ko naman alam kung kanta but here I am humming it with him, like I know the song and the lyrics on it.

 

Napangiti ako. It’s not me who is singing but my heart together with him. Ironic it is.

 

Pero yung taong kinaiinisan at ilang beses ko nang pinatay sa isip ko, siya pa yung taong nagpapagaan ng loob ko sa mga oras na to. Nakakatawa.

 

Nakakatawa talaga.

 

And the next thing I know, I am laughing....... with him.

 

This monster knows how to make a girl stop from crying.

 

“Matulog ka na nga. Gabi na.” Sabi niya

 

“Oo na nga... Matutulog na.” Tapos ngumiti ako. Hindi ko siya makita ng maayos from the time when wala naman akong suot suot na glasses. Isasara ko na yung kurtina pero napatigil ako at tinignan ulit siya, “Thank you... for the song.” At sa huli, nginitian ko siya ulit.

 

Sinara ko na yung kurtina at maglalakad na sana ako pabalik sa kama ko nung magsalita siya, “I saw a smile that captures me...”

 

Ako ba yun? Kung ako yun, maraming salamat sayo Whize.

 

“...but still wondering if it’s just me or my heart that she captured... already.”

 

I didn’t lost track. Time didn’t stop. World didn’t froze. But a heartbeat is beating than it’s usual beating.

 

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Seducing Your BoyfriendHEARTPRINT ON MY MIND (Book 1: In the Name of Love)MEET THE JERKMaybe We're Friends? (Ḱᗩ♈ᖺﬡᓰᗴᒪ) -ABANDONED!