BS 037

196K 2.2K 105
                                    

VINCE POV:






"ayaw mo talagang mag stay sa bahay ngayong gabi?"






Kararating lang namin sa bahay nina VINCE at kanina pa nya ako kinukulit na dun na lang ako matulog. Sinong bang ayaw? Kaso magulo utak ko ngayon, nasasaktan pa din ako kaya gusto ko lang mapag isa para buuin ang sarili ko.

"bukas na lang VINCE.. pareho tayong pagod.. at ayaw kong mapagod ka lalo"

Niyakap ko sya. Kahit gustong gusto ko syang yakapin buong gabi pero paano kung topakin na naman ako? sa estado ng utak at damdamin ko ngayon hindi ko na makokontrol ang topak ko. At ayaw ko namang masaktan si VINCE dahil dun. Kailangan ko lang talagang ayusin ang sarili ko. Ngayong gabi ko lang naman sya hindi makakasama kasi sisiguraduhin ko na gabi gabi ko syang makakatabi pagtulog hanggang sa pagtanda ko. Mahal na Mahal kita Venice Gabrielle.





"mas mawawala ang pagod ko kung mayayakap kita buong gabi.."





Mabilis ko syang hinalikan. Bat ang khulet  lang nya ngayon? Ito ba ang paraan nya para makalimutan ko ang mga nangyari kanina? Para makalimutan ko na ayaw sa akin parents nya? Para makalimutan ko na muntik na syang mawala sa akin? 

"papatulugin muna kita bago ako umalis"






"papatulugin sa pagod?"

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon