Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 1

5.3M 81.1K 68.1K
                                    

Aemie's POV

"Don't you have plans of going home, wife? Damn. It's nearly two in the morning."

"Sige, Zeke, una ka na. May binabasa pa ko eh." Hawak-hawak ko ang isang folder kung saan naka-compile lahat ng mga dapat i-review na mga agreements from different clients from different companies. Nakakaramdam na rin ako ng pananakit ng likod at leeg dahil mula umaga hanggang gabi ganito ang ginagawa ko. Hayyy.

"Tss. As if I can do that."

Simula nang ikasal kami ni Zeke ay nag-merge na rin ang company ng mga Ferrer at Roswell. Kaya yung dating sobrang daming trabaho na ginagawa ni Zeke—

"Wife."

—ngayon, mas sobra pa sa sobra. Pati mga meetings sunod-sunod. Ipinaubaya na kasi sa aming dalawa ni Mommy at Daddy ang lahat ng negosyo ng Heartily at Ferrer.

Kaya tatlo ngayon ang inaasikaso namin. Ang sa Roswell, Heartily na minana ni Mommy sa mga magulang niya at ang pagmamay-ari ni Daddy na Ferrer.

*

"Guess what, Baby Ae? May surprise kami sa inyo ng Daddy mo."

Tuloy-tuloy pa rin akong kumakain pero nakatingin ako kay Mommy dahil sa sinabi niya. Surprise? "Hindi naman po namin birthday ah. Bakit may surprise?" Saka ang pagkakaalam ko, magkaiba kami ng birthday ni Zeke.

"Hahaha. Then take it as a gift, a wedding gift," sabi naman ni Daddy.

Wedding gift? E nakaisang linggo na simula nung kinasal kami ni Zeke. Hindi na lang muna ako nagsalita at nag-antay pa ng sasabihin nila Mommy at Daddy.

"We're giving you our companies. All the Ferrer's businesses, including all the properties of the Heartilys. Ferrer and Roswell are the top 1 and 2 biggest companies, and since mag-asawa naman na kayo, it would be better if magme-merge na lang ang dalawa. What do you think?" nakangiting tanong ni Mommy.

Naibaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor dahil sa sinabi niya. Tinignan ko muna si Zeke na natigilan din sa pagkain at nakatingin sa akin. "Sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo, Mommy? P-pero—"

Ngumiti si Daddy at Mommy sa aming dalawa ni Zeke. "Daughter, tama ang Mommy mo. Habang bata ka pa, maganda yung alam mo na lahat ng gagawin sa company."

"L-l-lahat po?" gulat na gulat na tanong ko. Nagkatinginan muna si Mommy at Daddy. At saka humarap sa 'kin at nakangiting tumangong sabay. Hindi ba parang hindi naman tama 'yon?

Yung kaming dalawa ni Zeke ang gagawa lahat?

-Imagination-

"Dong! Tapos ko na linisan ang first floor, second, third, fourth..." *punas ng sobrang daming pawis*

Tagaktak na rin ang pawis ni Zeke habang hawak-hawak ang mop at isang baldeng tubig. "I am done cleaning the remaining floors." Pinunasan niya ang pawis niya sa noo gamit ang sleeves ng suot niyang white long sleeves na hindi na kulay white dahil puro mantsa na.

Sabay kaming huminga nang malalim at napasandal sa pader ng building. "May dalawang company pa tayong hindi nalilinis, Dong."

"Yeah."

Mabilis kaming nagkatinginan ni Zeke nung makarinig kami ng sunod-sunod na ring ng mga telepono. "Waaaa, ako na, Dong. Mag-change costume ka na." Tumango naman siya at agad na kinuha ang uniform ng guard.

-After 1 hour-

"Dong, yung meeting," hingal na hingal na sabi ko. Kakagaling ko lang sa baba dahil nag-scan, print at fax ako ng mga papers.

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon