MTJAB-Season 2: Chapter 35

386K 6.5K 1.6K
                                    

MTJAB-Season 2: Chapter 35

Halos hindi ako makagalaw sa lalim ng titig niya sa akin. Maging ang paghaplos niya sa baywang ko ay sobrang higpit. Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko mula sa pintuan ng dressing room niya kaya mabilis ko siyang itinulak pero mas hinigpitan niya ang paghawak niya sa akin. Mas lalo niya akong idinikit sa katawan niya at maging ang mga titig niya ay humahalukay na naman sa sistema ko.

"Liam! Nandiyan na sila Ms. Jheann." Suway ko sa kanya. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya at napasinghap ako nang halikan niya ako sa noo ko. Iba yung pakiramdam. Sobrang na-miss ko ang paghalik niya sa akin sa gano'ng paraan.

"You're mine. Kahit anong sabihin mo, hindi ka makakawala sa akin!" Aniya. Nagkaroon ako ng lakas para itulak siya palayo sa akin nang marinig ko ang malakas na pagtawag ni Ms. Mae sa akin mula sa labas. Mabilis kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin doon ang ilang reporters at fans ni Liam. Lahat sila ay may kakaibang tingin na ibinibigay sa akin pero mabilis nagsalita si Ms. Mae.

"Thank you so much, Marcus, sa pagsama kay Alein. Masyado kasing sakitin itong batang ito dahil sa sunod-sunod na schedule." Ngiting ngiting pahayag ni Ms. Mae at saka marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Napatango naman ang mga reporters.

"Naku, nasaan ba kasi si Kevin? Bakit niya pinapabayaan ang girlfriend niya?" Usisa ng isang reporter.

"Actually, may gig si Kevin ngayon sa kabilang studio. H'wag kayong mag-alala dahil matalik na magkaibigan sina Kevin at Marcus." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Ms. Mae. Bumaling ako kay Liam at napalunok ako nang makita kong sa akin pa rin siya nakatitig. Para bang sinasabi ng mga mata niya na hinding hindi na ako makakawala ngayon sa bitag niya.

"So, Jheann, Chloe. Ihatid niyo na si Alein sa bahay niya at sasamahan ko pa itong si Marcus dahil may interview siya sa press." Sabi ni Ms. Mae. Tumango naman sila Chloe at saka nila kinuha ang ibang gamit ko sa dressing room ko.

Alas onse ng umaga nang dumating sina Ms. Mae at Kevin sa unit ko kasama ang isang stylist para paghandaan ang isusuot namin ni Kevin sa anniversary ng company. Kulay beige ang long gown na piniling design ni Ms. Mae para sa akin. Medyo nag-alangan pa akong pumayag dahil masyadong kitang ang buong likod ko roon.

Samantalang si Kevin naman ay three-piece suit na kulay itim na tinernuhan sa loob ng kulay puti na polo at kulay dark blue na neck tie na sa tingin ko ay sobrang babagay sa kanya. Abalang abala si Ms. Mae sa pakikipag-usap sa stylist. Gusto raw niya na kami ang maging sentro ng atensyon sa gabing iyon.

"Masarap?" Napalingon ako kay Kevin nang magsalita siya mula sa tabi ko. Napatingin ako sa kinakain kong chocolates. Binigay niya ito kasama ng isa pang rosas. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagbigay sa akin ng rose kahit na tanggap na niyang wala namang pag-asa ang sa aming dalawa.

"Oo, buti nga at pumayag si Ms. Mae na kumain ako nito." Natatawang sabi ko sa kanya. Ayon kasi sa rules ni Ms. Mae, bawal kaming kumain ng chocolates dahil baka makaapekto sa pagkanta namin. Pero nang makita niyang bigay ni Kevin sa akin 'yon ay pinagbigyan niya na rin ako.

"Kasama raw si Diane sa party." Bulong ko sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata at saka siya ngumiti nang marahan.

"Yeah, kasama niya yung boyfriend niya." Diretsong sagot niya sa akin. Napansin ko ang kaunting pait sa pananalita niya pero hindi ko na lang sinabi sa kanya iyon. Alam ko, nararamdaman ko na may kaunting pagmamahal pa siya para kay Diane pero dahil ako palagi ang kasama niya, akala niya nailipat na niya sa akin ang pagmamahal na 'yon.

Napapitlag ako nang makarinig kami ng sunod-sunod na pag-door bell. Tatayo na sana ako pero naunang tumayo si Chloe para buksan iyon. Mga ilang sandali pa ay bumalik na rin kaagad siya na may dala dalang kulay pulang tupper ware at sulat.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon