15. Pugits

31K 780 46
                                    

"Nako, anak. Siguraduhin mo'ng pagbalik mo, wala ka pang anak at wala pa akong apo, okay!? Alam ko namang mahirap magpigil kasi sobrang gwapo at makalaglag panty yang boyfriend mo, pero please lang anak, gumraduate ka muna. Pagtapos nun, kahit punuin niyo na ng magaganda at gwapong bata ang bahay namin ng papa mo, ayos na ayos lang!" Natatawang bulong sa akin ni Mama bago ako lumabas ng gate namin.

"Ma! Ano ba yang mga pinagiisip mo!" Singhal 'ko. Anak agad? Walang kasal-kasal? Diretso anak agad? "Sasamahan 'ko lang naman tong si Jared sa mall, tapos ganyan na agad iniisip mo."

"Kasi naman anak ang gwapo gwapo gwapo naman talaga ng nabingwit mo!" Kinikilig niya pang sabi habang naglalakad kami palabas ng gate. Kumunot ang noo 'ko nung nakita ko'ng kausap ni Papa si Jared at si Fierra na nagse-selfie pa sa tabi ni Papa.

Humarap sila sa amin nung napansin nilang nandito na ako. Ngumiti sa akin si Jared (At natakot ako. Oo, nakakatakot talaga. Hindi normal kay Jared ang pag-ngiti ngiti ng ganun. Mas sanay ako sa pagiging masungit niya.) Ang mas nakakagulat pa non, pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan niya. "Tara na?"

Humalik ako sa pisngi ni Mama at ni Papa bago ako humarap sa kanya. "Umuwi ka agad, Kira Fate. Jared, Ihatid mo yang anak 'ko." Masungit pa din ang boses ni Papa habang sinasabi 'yun kay Jared.

"Opo." Nakangiting sagot naman ni Jared. Umiling na lang ako at pumasok sa loob. Natatakot na ako sa mga nangyayari eh. Bakit ba ganito sa akin si Jared? Dapat salbahe siya sa harap 'ko at hindi ganito!

"Ano bang meron, Jared?" Seryosong tanong 'ko nung nagd-drive na siya papuntang Mall. Ayaw 'ko ng ganito. Napipilitan na nga ako maging girlfriend niya, hindi 'ko pa alam kung bakit. Hindi 'ko ba pwedeng malaman 'yun?

"Malalaman mo din sa tamang panahon, Kira." Hindi 'ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso 'ko nung narinig kong sinabi niya ang pangalan 'ko. Hindi 'ko alam kung yun ba ang unang beses na binaggit niya ang pangalan 'ko. Pero ang sarap pakinggan ng boses niyang sinasabi 'yun.

Wait. Shwet. Wala na nga talaga ako sa pag-iisip. Kung anu-ano ng kahibangan ang pumapasok sa isip 'ko. Tulog lang ata talaga ang kailangan 'ko. Hindi na ako nakasagot 'nun at hindi na din ako umimik pa. Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas. Hindi 'ko talaga alam kung bakit ako ang trip ng isang 'to. Nakakaasar.

Pagkapasok namin sa loob ng isang pang mayaman na Mall (Nakita 'ko kasi 'to sa TV dati, na puro mayaman daw talaga ang mga nandito), hinila na agad niya ako papasok sa loob ng VeniSalon. Ang Salon ng mayayaman. Oo, nakita 'ko din 'to sa TV kaya wag na kayong mag-tanong. At ang pagkakalalam 'ko, asawa ng sikat na rock star ang may-ari ng isangs Salon na 'to.

Bumulaga sa amin ang isang matangkad at maputing babae na nakasoot ng isang nagkukulang-sa-tela na dress. Maganda siya at mukhang balot na balot ng mamahaling make-up ang buong pagmumukha niya. "Oh, Jared Flinn!"

Binitawan ako ni Jared para yakapin 'yung babae at ang mas kinagulat 'ko pa dito ay ang paghalik ni Jared sa pisngi nito. Tuwang-tuwa pa si pugita! Kairita. Bakit ba ako nandito? Para manood ng dalawang naglalandian? Asar ah! "So why are you here, Jared? Kakapunta mo lang last week, right?"

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon