KATSUMI’S POV
3 weeks na ang nakakalipas simula nung pinagplanuhan to. Pero kahit 3 weeks palang, set na lahat. Hello, puro mga maimpluwensya tong mga kaibigan ko noh.
“Ano Kats, ready ka na? 1pm ang start ng paaudition mo ha. Sa Skydome.” JC.
“Hindi ka ba sasama?”
“Hindi eh. May lakad kami ni Gab. Try ko nalang humabol tol.”
“O sya sige. Ingat kayo.”
“Ikaw rin. Baka magkastampede mamaya. Goodluck. Haha. Kasama mo naman si Seth at Lester eh. Si Kuya at Kath, susunod nalang daw.”
“Okay.”
Pagkaalis ni JC, nagbihis na ako at nag-ayos. Nung una, nag-iisip pa ko ng dapat ko isuot. Dapat maimpress sakin ang mga girls. Pero naisip ko, kung haharap man ako sa kanila ngayon, dapat ang ipakita ko sa kanila ay yung totoong ako.
Kasi kung mamahalin nila ako, dapat mahalin nila ako bilang ako. Hindi bilang Katsumi na nafeature sa Time Magazine.
Kaya pinili ko ang pinakafavorite kong damit at simpleng jeans.
Tapos umalis na ko at nagpunta na sa Skydome.
Pagdating ko dun, WOW LANG. ANG DAMING TAO. Ano to, album launch? GRABE. Akala ko mga 10 lang ang pupunta, hindi ko akalaing 1000 pala. De joke. Basta ang dami! Woah.
“HUY KATS ANO KA BA!” Sigaw ni Lester sabay hila sakin papuntang backstage.
“Ano?”
“Engot engot mo talaga. Kita mong ang daming handang magpakamatay para sayo tapos palakad lakad ka lang dun? TOL NAMAN. Madadaig mo pa ang stampede sa Ultra kung nakita ka man nila kanina dun.” Lester.
“Sorry na. Namangha lang naman ako eh. Ang daming tao.”
“Wag ka na magtaka. Ganyan kadami ang nagpapakatanga ah este, nagmamahal sayo.” Lester.
“Kala mo nakalimutan ko na ang pagbugbog mo sakin 6 years ago ha.” Ako.
“LANGYA PARE. Hindi ka pa nakakamove on dun? Hahahaha.”
“Ewan ko sayo! Hahaha. Teka, si Seth?”
“Andun sa labas, pinapakalma fans mo.”
“Hahaha. Pinapakalma?!”
“Oo. Mga lima na ang nahihimatay eh. Sobrang excited na makita ka.”
“Talaga?”
He nodded.
Mamaya-maya, pumasok na si Seth.
“Kats, ready?” Sabi ni Seth.
“I think so.”
“Game. Labas ka na.”
Ito na. Lord, sana makita ko na sya.
I took a deep breath bago ako lumabas sa stage.
At paglabas ko…
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH”
“OMYGADDDDDDDDDD SI KATSUMIIIIIIIIIIIIIIIIIIII”
“I LOVE YOU KATS. HUHUHU. PAKASALAN MO NA KO!”
Okay. Wow. Nakakaoverwhelm.
Umupo ako dun sa may table sa may stage.
Yung inuupuan ko, may katapat na upuan tapos dun uupo yung girl na kakausap sakin.
Nasa likod ko si Lester at Seth. Parang mga body guards. Haha. Mahirap na daw baka bigla akong sunggaban ng mga babae.
“Okay. Let’s start. Ms, punta ka na dito.” Sabi ni Lester.
( Para masaya play nyo yung video sa side --------> Call Me Maybe. )
Lumapit na yung girl at umupo sa harap ko.
“Hello.” Bati ko.
“Hello, K-katsumi…” Halatang nagpipigil ng kilig yung girl.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Daniel Padilla | as Daniel |
| Kathryn Bernardo | as Kath |
| JC Padilla | as JC |
| Lester Giri | as Lester |
| Sed Gothico | as Seth |
| Katsumi Kabe | as Kats |